Ilang minuto lamang ang nakalipas matapos umalis ni Margaret sa silid ni Ayesha ay muli na namang may kumatok sa kaniyang silid. "Ma'am Ayesha, nasa baba po si Sir Cloud hinahanap po kayo," sambit pa nito. Kaagad naman siyang napatayo. Hindi niya alam kung bakit bigla na lang siyang kinabahan nang marinig ang pangalan ng binata samantalang i-aabot niya lang naman dito ang regalo. Nagawa nga niya kanina kay Sky na alam niya namang tila isang dragon na gustong magbuga ng apos sa tuwing kaharap siya. "S-Sige po. Susunod na po ako." Her voice cracked dahil sa sobrang kaba. Lalo pa nga siyang kinabahan nang maalalang nandoon pa sina Margaret. Ano na lang ang iisipin ni Tita kapag nakita niyang nagregalo ako kay Cloud? Baka mamaya ay isipin niyang ginagamit ko ang pera nila sa kalandian ko.

