Paglabas ni Sky sa kaniyang kwarto ay napakunot ang noo niya nang makita si Margaret sa may pasilyo habang nakatingin sa ibaba. Nasa ikalawang palapag kasi sila ng bahay. Nilapitan niya ito upong tignan kung ano nga ba ang dahilan at bakit ganoon ang itsura ng ina, hindi niya kasi mawari kung nakangiwi ba ito o nakangiti. Pag tingin niya sa ibaba ay natanaw niya mula roon si Ayesha kaharap si Cloud habang may kausap ito sa phone. The way Ayesha look at his cousin is very obvious that she has feelings for him. At sigurado siyang nararamdaman din iyon ng kaniyang ina dahil babae ito. Pero sabay silang napasinghap nang halikan sa noo ni Cloud si Ayesha bago ito umalis. Sky didn't expect him to do that since he always say that he only see her as a younger sister. And it seems like Ayesha was

