Kinabukasan matapos ang graduation nila Sky ay maagang nambulabog ang kambal na sina Thunder at Storm sa mansion ng mga Go. Alas otso pa lamang ng umaga ay naroon na ang magkapatid. Agad namang lumabas galing sa kusina si Ayesha nang marinig ang boses ng mga ito. "Goodmorning! Where is Sky? Tulog pa siya?" energetic na sambit ni Storm nang makita siya. "Sa tingin ko ay hindi pa siya gising. Sabi kasi ni Manang Glenda kanina ay naka-lock pa raw ang kwarto niya. Sinubukan rin daw siyang katukin kanina ni Tito Benedict for breakfast pero hindi siya sumasagot." "Ito naman kasing si Thunder. Nakalimutan yatang hindi na kami studyante. Gusto ba naman maaga pa rin kaming pumunta sa school para kunin ang transcript of records namin at iba pang papers na kailangan namin abroad." "Huwag ka ng ma

