Jasmine'sPOV Narito kami ngayon sa isang cafe malapit sa SPI, dito namin napagpasyahan na mag-usap. Pagkatapos mailapag ang order namin. Narinig kong nagsalita si Jarred. "Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa, Freyah. Siguro kilala mo naman ako diba?" tanong ni Jarred rito habang matamang nakatingin kay Freyah. Huminga ng malalim si Freyah na para bang ang bigat ng dinadala. Nagbaba siya ng tingin. "Oo, kilala kita. hindii mo na kailangan magpakilala pa, Sir. ikaw po si Jarred Racqueza. Ang may-ari po ng Racqueza Steel Corporation." sagot ni Freyah sakin. Tumango ako at binalingan si Jasmine. magsasalita sana ako ng unahan ako ni Jasmine. Inilahad nito ang kamay kay Freyah na nasa tapat naming upuan. Kitang-kita sa mukha ni Freyah ang gulat pero tinanggap pa rin ang pakikipagkamay n

