Beatriz'sPOV Tiningnan kong muli ang oras sa suot kong relo. Ten minutes na akong naghihintay, hanggang ngayon ay wala pa rin si Cathy na katagpo ko ngayon. Narito ako ngayon sa Sycel's Restaurant' para dito pag-usapan ang tungkol sa gagawin naming plano para bukas. Ang sirain ang relasyon nina Jasmine at Jarred. Kahit hindi na ako balikan ni Jarred, ang mahalaaga ay mapaghiwalay ko silang dalawa. Hindi ako papayag na maging masaya sila, samantalang ako ay nagdurusa! Hindi pwede! "Ma'am Beatriz?" tinig iyon ni Cathy na nagpabalik sa akin sa kasalukuyan. Lumingon ako at nakita siyang nakatatyo sa aking likuran. "You're late! Bakit ngayon ka lang?" naiinis kong tanong sa kaniya. Yumuko si Cathy. Napangisi ako, ganiyan dapat! "Pasensiya na, kinailangan ko kasing bantayan muna si inay pa

