Sunod-sunod na mga labanan ang nagaganap at mabuti na lamang ay naipanalo ni Wong Ming ang bawat labang naitatapat sa kaniya. Pakonti ng pakonti ang mga natitirang bilang ng mga disipulo at pahirap ng pahirap ang mga nakakalaban ng kapwa niya disipulo. Masasabi niyang marami ang may mga potensyal na makasali at magkaroon ng rankings. Walang sinuman ang gustong magpatalo at ramdam ni Wong Ming ang tensyon lalo pa't papalapit ng papalapit ang nasabing kompetisyon na ito sa pinakahinihintay ng lahat. Maya-maya pa ay narinig niyang tinawag ang pangalan niya. Clouded Axe Vs. Little Devil Kitang-kita ni Wong Ming kung sino ang makakalaban niya. Naglakad na rin siya sa kinaroroonan ng malawak na field at nakita niya ng harap-harapan ang disipulong makakalaban niya. Halos triple ang laki n

