Hindi siya makapaniwala sa kaniyang sariling nakikita. Sa loob ng consciousness niya kasi ay may nakita siyang isang kakaibang liwanag. Agad na nilapitan ito ni Wong Ming nang walang pag-aalinlangan. Ramdam na ramdam ni Wong Ming ang malakas na koneksyon niya rito. Para bang parte ito ng katawan niya, basta hindi niya maipaliwanag. Isa lamang ang naiisip niya at iyon ay dahil sa huling laban niya na naganap mismo dito sa lugar na ito. Ito lamang kasi ang naiisip niyang dahilan kung bakit mayroong kakaibang liwanag ito rito. Iyon lamang ay hindi man lang niya mahawakan ang nasabing liwanag na ito. Para kasing nakapwesto lamang ito sa lugar kung saan ito una nabuo. Mas nagulat si Wong Ming nang masuring may isang napakaliit na liwanag pa itong kasama. Kulay asul ang nasabing liwanag

