Chapter 2.8

1141 Words

Kasalukuyang nakaupo si Wong Ming sa mahabang upuan. Nasa loob siya mismo ng Meeting Hall. Sigurado siyang espesyal ang lugar na ito lalo na at personal na isla ito ng Flaming Sun Faction. Ang isa sa gumugulo sa utak niya ay bakit siya ipinatawag rito. Pagkatapos kasi siyang ihatid patungo sa Meeting Hall ay iniwan na siyang bigla ng Punong Maestro Duyi at nilisan ang lugar na kinaroroonan niya. TAP! TAP! TAP! Mayroong papalapit na yabag ng isang nilalang patungo sa kaniya. May ideya na si Wong Ming kung sino ito pero kahit gayon pa man ay hindi niya mapigilang makaramdam ng kakaiba lalo pa't ilang beses niya pa lamang makita ang Flaming Sun Faction Master at noong Guild pa ang nasabing kinabibilangan niya noon. Ngayon ay maliwanag pa sa sikat ng araw na isa na itong Faction Master

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD