Natira na lamang sa loob ng Meeting Hall ay ang Faction Master at ang tatlong Faction Vice Masters. Mahabang katahimikan ang namuo sa loob ng bulwagang ito. Maya-maya pa ay binasag ni Faction Vice Master na suot ang Jade Mask na may nakaukit na disenyo ng ibon ang katahimikang ito. "Naniniwala ba kayo sa sinasabi ng Little Devil na iyon?!" Sambit ng nasabing Faction Vice Master na una pa lamang ay nagtataka na at di kumbinsido sa sinabing ito ng Little Devil na iyon. "Naniniwala ako sa sinasabi niya. Naniniwala akong coincidence lamang ang nangyari na iyon. Sa palagay ko ay gusto nitong patunayan na inosente ito sa paratang natin sa kaniya. " Depensa naman ng nasabing Faction Vice Master na maysuot ng Jade Mask na disenyo ay isang pagong. "Naniniwala din ako sa sinasabi nito. Tugma a

