Kinabukasan, nakita na lamang ni Wong Ming ang sariling nakatayo sa malawak na platform. Hindi maipagkakailang ang isang daang manlalahok ay nakumpleto na at bawat isa sa kanila ay tunay ng magiging Inner Disciples. Ngunit hindi dito natatapos ang lahat dahil ngayon ay magkakaroon ng tunay na Rankings. Dito ay magbabasehan ang nasabing ranggo ng bawat disipulo mula sa isang daan hanggang sa pina-unang ranggo. Lahat ng disipulo ay mayroong pagkakataon na patunayan ang sarili. This will make everything in order at patas na rin kung titingnan. "Ikinagagalak naming ipabatid na ang isang daang manlalahok na magiging Inner Disciple ay sinubok at ganap ng napili." Malakas na sambit ng MC habang makikitang maging ito ay masaya rin. Isang masigabong na palakpakan at hiyawan ang maririnig mula

