Ipinagpatuloy ni Wong Ming ang paglalakbay niya at nakipaglaban sa mga magical beasts na mayroong mga Silver stone crystals Sinuri at mga pamilyar na mga magical beasts ang mga kinalaban niya ngunit mayroong level na di tataas sa Level 5. Random din ang mga silver stone crystals na nakukuha niya mula rito. Hindi niya alam kung bakit ngunit kalaunan ay naintindihan niya rin. May iba't-ibang lakas at katangian ang mga Magical Beasts kung kaya't hindi nakakapagtaka na random din ang mga makukuha mong stone crystals. Ibayong pag-iingat na may kalakip na lakas ng atake pa din ang kinakailangan upang talunin ang mga ito. Maya-maya pa ay nagpahinga si Wong Ming saglit sa isang tabi kung saan ay hindi agad-agad siya mapapansin ng sinuman. Napakalawak ng lugar na ito at masasabi ni Wong Min

