Isa-isa na namang napagtagumpayan ni Wong Ming ang mga sagupaan ng mga magical beasts. Kasabay rin nito ang maraming mga Silver stone crystals ang nakuha niya mula sa pangangalaga ng mga dambuhalang halimaw na may taglay ding mga abilidad. Yun lang ay dalawampong Gold Stone Crystals ang nakuha niya at napakaraming mga silver stone crystals ang nakamit niya mula sa pakikipaglaban. Kasalukuyang naglalakbay ang binatang si Wong Ming ngunit pakiramdam niya ay may sumusunod sa kaniya. Naramdaman niya ang mga matang nakamatyag sa kaniya ilang daang metro mula sa kaniya. Kasalukuyang nasa masukal na kagubatan siya napadpad at talagang hindi niya inaasahan na mapusok ang kalaban niya at mukhang nagsama-sama pa ang mga ito upang paslangin siya. Hindi makakapayag si Wong Ming lalo pa't hindi s

