Chapter 17

1745 Words
Chapter 17: The Act Deign’s POV Kinagabihan bago ang binabalak naming suprise para kay JV ay kinausap ko siya sa messenger. Me: Bakla may sasabihin ako sa ‘yo. JV: Ano yun bakla? Me: Kasi si Belinda may problema. JV: Ano raw problema niya? Me: Ako. JV: Huh? Anong ikaw? Me: Kasi 'di niya maintindihan yung point ko. Ayun nagkagalit kami. JV: Hala, anong meron? Ipaliwanag mo nga. Wala akong maintindihan. Kayo? Mag-aaway? Me: Kasi nagtalo kami kanina sa messenger. Prinangka niya ‘ko na nagbago na raw ako. 'Di niya ‘ko maintindihan na mas gusto ko lang naman na mapabuti yung friendship. Sabi niya 'di lang daw sa akin umiikot ang mundo at sa pagiging malawak ng pag-iisip ko. Sawa na akong mag-explain bakla. JV: Teka ano ba ang pinagmulan ng pagtatalo niyo? Shocks 'di ata ako convincing. Pa’no na 'to? Me: Sorry bakla, ah. ‘Wag kang mabibigla. Ikaw yung dahilan. JV: Pa’nong ako? Hala, anong meron? Me: Sort of nagtatalo kami dahil sa ‘yo dahil nagiging unfair na raw ako. Lagi na lang daw tayo ang magkasama. Mas close pa raw tayong dalawa kesa sa dapat tatlo tayo. Ang selfish ko raw. Sobrang 'di ko iniisip siya. Na para bang lumalabas pa na mang-aagaw ako. JV: Hala, ‘wag niyo ‘kong pag-awayan. Mahal ko naman kayong lahat. Pantay-pantay. Me: ‘Wag ka sa kin magpaliwanag bakla. Alam na alam ko na yan. JV: Eh pa’no na kayong dalawa? Me: Hindi ko alam, eh. Ayaw niya muna akong makausap. 'Di ko naman siya mapipilit. 'Di ko naman siya pipilitin. JV: Sige kakausapin ko siya. Me: Sige. Pero hindi ko alam ah nahihiya ako sa kaniya. Nahihiya ako kay Belinda. MY GOSH! Effective na ba? SANA LANG TALAGA. JV: Sige dapat maayos ‘yan. Bukas mag-usap kayo. Me: Sige bakla sana nga maayos 'to. JV: Maayos yan tiwala lang. Sige ich-chat ko na siya, ah. Chinat ko bigla si Belinda. Me: Belinda ayos na. Ang galing ko! Kakausapin ka na niya. Belinda: Hala nice! Sige ako na bahala. Leave it to me *smirk emoji* Me: Nako ah ‘wag kang papalpak nako. Just go with the plan. Belinda: Yah, yah sige ayan na nagchat na siya. Bye na muna. Me: Sige ah bukas na lang. Kinabukasan... After so many days, weeks, and months, sa wakas ay birthday na ni JV bukas. Kaya mag-ready na kami sa surprise mamayang gabi para ‘di ba, salubong. Baka di na namin masunod ang 12 midnight. Simulan na ang palabas! So as usual sabay ulit kami ni JV sa terminal. Ang obvious naman kasi masyado kung 'di ko siya sasabayan at magdadahilan ako. Like never pa kaming 'di sabay pumasok (except pag nakalipat na ako tapos kapag sa dorm na siya tutuloy). Pinag-usapan namin yung naging pag-uusap nila ni Belinda. "Anong sabi ni Belinda?" tanong ko. "Sabi niya parang ikaw pa raw ang pinapaboran ko. Na mas pinipili kitang kasama kesa sa kaniya." “Sabi ko sa ‘yo, eh." Ayun naglungkut-lungkotan ako. "May galit siya sa 'kin and probably sa'yo pero mas malala sa 'kin." "Hindi. ‘Wag mong isipin ‘yan." "Ayoko na muna pumasok." "Baliw ka ba? Nasa UV na tayo oh malapit na tayo." "Natatakot ako. Nahihiya akong humarap sa kaniya." "Tumigil ka nga bakla. Kailangan natin siyang makausap. Dapat maipaliwanag natin nang mabuti sa kaniya ang lahat. ‘Wag na nating palakihin pa. Misunderstanding lang 'to. Kayang-kaya ‘yan bakla." At nginitian ako ni JV. Kailangan mas maging intense pa ang mga kaganapan. So ayun nakarating na kami sa school. Katulad ng inaasahan ko ay wala sa usual spot namin si Belinda. Super sunod lang siya sa plano naming dalawa. "Hala, sa’n siya nagpunta?" tanong ni JV. "Hindi ko alam bakla. Baka ayaw tayong harapin." "Hindi pwede. Dapat makausap natin siya ngayon. Ayoko namang kulang tayo mamaya." Medyo naging mahina yung boses niya at naging malungkot ang tunog. Shocks I can feel it na! Effective na nang slight. "Tara hanapin siya." Sabay hila sa akin ni JV. Nilibot namin ang garden, buong first floor, pati ang cafeteria. Bumalik kami sa may plant box at biglang nandun na siya. Hinila ako ni JV. "Ayoko. Sige na ikaw na lang kumausap sa kaniya." Sabi ko. "Hindi, dapat kasama ka." Patuloy lang siya sa paghila sa akin. "Eh hala ayoko. 'Di ko talaga alam kung anong gagawin ko." "Hindi, walang pero pero." Kunwari napilitan na lang ako. So ayun naupo kami sa harapan Belinda. Tumayo naman siya sabay biglang akmang aalis. "Teka Belinda. Mag-usap naman tayo, oh." Pagmamakaawa ni JV. Nakatulong talaga ‘yung halos isang linggong pagiging cold namin sa isa’t isa. Paniwalang-paniwala na si JV. "Hayaan mo na lang siya bakla." Sabi ko. "Hindi pwede Deign." Hala! Seryoso na talaga si JV. Tinawag niya ‘kong Deign. "Hindi. Kayo na lang dalawa ang mag-usap. Gustong-gusto niyo namang magkasama ‘di ba. Magbonding kayo. Pakasaya kayo." Sabi ni Belinda. Naramdaman kong nasasaktan na si JV. Yung tipong parang tumagos talaga sa puso ganun. Wasak na wasak. Damang-dama ko talaga yung nararamdaman niya. Hala sorry JV. Kailangan lang talaga. ‘Wag kang mag-alala matatapos din 'to at for sure maiiyak ka maybe sa lungkot at ligaya. "Sige aalis muna ako. Kausapin mo muna siya. Tsaka na lang ako." Sabi ko. Tumayo ako at umalis. Nakasalubong ko si Grey. Nagulat ako nung hinawakan niya yung wrist ko. "Bakit bakla? Ay este Mr. FC." Sabi ko. Tinanggal niya bigla yung tali ko sa buhok sabay ginulo niya. "Alam mo ang lakas ng trip mo. Kung gusto mo ng extensons para humaba ang buhok mo ‘wag buhok ko ang pagtripan mo. Bakla ka talaga." "Ayan mukha ka na namang dragon." Tumawa siya nang malakas. "Bumubuga ka na naman ng apoy." Pinag-iinit talaga nito ang ulo ko, ah. "Akala mo naman may itsura ka. Tigilan mo nga ‘ko." "Bakit wala ba talaga?" sabay nagpacute siya. NAKAKAGIGIL! GGSS! "Pinanindigan mo na rin talaga pagka-FC mo ah. Kala mo naman close tayo." Sabi ko. "Bakit, hindi ba?" tanong niya. "Never! FC! Bakla!" sabay alis ko. "Ayan ganiyan ka lang dapat parati Ms. Mondragon!" sigaw niya habang papalayo ako. Pa’no ba ‘ko mamumuhay nang matahimik niyan kung lagi ka na lang makakakita at makakasama ng taong panira ng araw mo? Lagi na lang may paandar 'tong mokong na 'to. Nag-ring na yung bell at hindi pa rin ako tinatawagan ni JV. Pumasok na ‘ko sa loob ng room namin at naupo sa tabi ng pinamokong na taong nakilala ko. Buti na lang next week random seats na. Biglang naisip ko ulit sila JV. "Hala ano na kayang nangyari?" tanong ko sa sarili ko. Nag-vibrate yung phone ko. Kinuha ko yung phone ko mula sa bulsa ko. Nagtext si JV. "Grabe ang aga-aga naman niyan. Mamaya ka na tumanggap ng limos este ng ligaw." Pang-aasar ni Mr. FC. "Paki mo ba? Inggit ka lang, eh. Gusto mo rin may nangliligaw sayo." Hah! Burn Mr. FC. Dumating na yung teacher namin so hindi ko na nabasa yung text. Hay, kainis naman! Pero hindi na ‘ko makapagpigil, so dinukot ko na ulit yung phone ko sa bulsa ko. Binuksan ko yung inbox ko. JV: Cool off daw muna. Pa’no na 'to? Pa’no na mamaya? Ay! Ang galing galing naman ni Belinda. Napatawa ako sa loob-loob ko. "Ms. Galvez, give me your phone." Nagulat ako. Yung teacher pala namin yung nagsalita. Hala pa’no na 'to. Ma-co-confiscate yung phone ko. "I told you." Sabi ni Mr. FC. "Manahimik ka." Sabi ko. Sabay tingin ko sa kaniya nang masama. Lumapit yung teacher sa 'kin. "Ms. Galvez, give it to me now." Ulit nung teacher. Wala na ‘kong nagawa. Inabot ko na yung phone ko. "You can get this after on Monday since we will not meet tomorrow." Paliwanag nung prof. "Yes, sir." "Ok this serves as a warning to all of you. Ayokong-ayokong may gumagamit ng gadgets sa oras ng klase ko." Dagdag nung prof. Nung break time pinuntahan ko si Belinda. Parehong na-absent tuloy ang mga bakla. Sobrang na-g-guilty tuloy ako. Buti lesson lang kami at walang importanteng ginawa. "Oy ano ba ang nangyari kanina?" tanong ko. "Naiyak si JV. Ok na ‘yung plano mamayang gabi. Basta yung gagawin mo ah dapat matapos mo." Paalala ni Belinda. "Oo, ako na bahala dun." Sabi ko. "Tara sa cafeteria tayo mag-usap. Mamaya makita niya tayo." So ayun pumunta kami sa cafeteria. "Grabe ang galing ko kaya kagabi. Buti nga napaniwala ko siya eh tapos kanina sa UV ayun affected na affected na siya." kwento ko. "Grabe kaya kanina nung nag-uusap kami. Explain siya nang explain ta’s ako naman reject lang nang reject sa sinasabi niya." kwento ni Belinda. "Hay! Oo bakla maiyak-iyak na nga siya, eh. Tapos ano mamaya siguraduhin mong kasama mo siya sa dismissal, ah. Tapos ako, hihiwalay sa inyo." Pagpapatuloy ni Belinda. "Hala pa’no yung shift mo sa library?" tanong ko. "One hour lang muna ako mamaya dun. Babawiin ko na lang next week. Kaya ko na ‘yun." Saggot ni Belinda. "Sige, sige. O pa’no? Galit-galit muna, ah." Sabi ni Belinda. "Sige mauna ka na. Tsaka na ‘ko lalabas. Yung gagawin mo, ah!" paalala ko. "Oo bakla!" sagot ni Belinda. So after break time ay bumalik kaagad ako sa room. Kinalabit ako ni Mr. FC. "Ano hindi mo talaga ako tatantanan?" tanong ko. "May sasabihin lang ako Ms. Mondragon." Hindi naman ako mukhang dragon kapag nagtataray o nagagalit, ah. Grabe talaga 'tong taong 'to. "Oh, ano ba kasi yun?" Sabay kunwari nag-ayos-ayos ako ng gamit ko. "Kanina si JV pumunta rito nung lumabas ka na." Napatingin ako kay Mr. FC. "Oh bakit daw?" "Magkagalit ba kayo?" tanong niya. "Teka, bakit kayo ang nagkausap?" tanong ko. "Nilapitan niya ako malamang." "Oh, ano nga? Bakit siya pumunta rito?" Iniba ko agad ang usapan dahil may point nga naman siya. "Syempre hinahanap ka niya. Iniiwasan mo ba siya?" "Anong sinabi mo sa kaniya?" "Sagutin mo muna yung tanong ko." "Hindi. Oh, ano na dali." "Sabi ko may kasama kang babae which is Belinda. Sabi ko, ano, narinig ko na ok na yung plano mamaya." "Wow! Panira ka talaga eh! Grabe! Sobra! UGHHHHH!" nanggigil ako. "Hala, teka bakit ano ba ang nangyayari?" tanong niya. "May surprise kasi kami para sa kaniya tapos ngayon wala na kasi sinira mo na! Grabe ka! Ang daldal mo!" sabay tinalikuran ko siya. Naiinis talaga 'ko sobra. Ayoko na. URGHHHHHHHHHHHHHHHH! Bistado na kami malamang...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD