Chapter 16

2228 Words
Chapter 16: Sparks Grey’s POV Habang hawak-hawak ko yung kamay niya ay may nararamdaman akong hindi ko maipaliwanag. Kanina pa ‘ko parang kinikidlatan. Kulang na lang ay mag 'train to Busan' na ‘ko. Ang lambot ng kamay niya. Halatang minsan lang o never gumagawa ng gawaing bahay. No, that’s a no. Ang judgemental natin masyado sa part na ‘yun. Baka naman ay maalaga lang siya sa katawan niya at magandang lotion ang gamit niya. So I therefore conclude na alagang-alaga siguro siya sa kanila. Ok let us act as a professional. Hayaan mo lang siya magsungit. Just be cool. Dedma ka na lang. ‘Wag mo na siyang patulan. Para naman magkaroon tayo ng matahimik na araw. For sure maninibago ‘to. Tapos tsaka tayo aatake ulit. Humawak na ‘ko sa bewang niya. Sobrang hiyang-hiya ako. Hindi ako sanay sa mga ganito. Tapos hahawak pa ako ng babae? Sa ganitong ugali at angas ko, never pa ‘yung nangyari sa buhay ko. O dahil iniisip ko lang as intimate. Actually, hindi pa ako nagkaka-girlfriend. Siguro dati maharot ako pero hanggang dun lang. Never naging seryoso at never sineryoso. Alam niyo naman kapag mga bata pa ay madalas dala lang ng pang-aasar o kasi cool ang magka-gf o gusto lang magka-experience. Kaya naman ngayon syempre dapat kalma lang tayo. ‘Wag ipapakitang ninenerbyos. Kahit pa ang iba talaga sa pakiramdam. At tao lang din naman ako. Isang lalaki na may hormones at nasa puberty pa rin. Sobrang awkward kasi eh. 'Di ko maexplain. Kapag tinitignan ko siya sa mata niya ay para bang nanghihina ako. Pero sa bawat hawak ko naman sa kaniya na-e-electrify ako. This girl is making me crazy. Ayoko na mag-isip pa. It is just too much for me. Nauubos ang energy ko sa ganito pa lang. Mabuti na rin sigurong pinili kong huwag na lang makipagtalo today. So nagsimula na kaming sumayaw este mag-practice lang pala pero ganun na rin ‘yun. Hala, ewan. Nagugulo na ang utak ko. Alam mo yung tumutugtog sa utak ko yung sa High School Musical. Yung kanta nina Troy sa prom. Yung may “can I have this dance?” na lyrics. “Everyday we step together, we just keep on getting better. So can I have this dance? Can I have this dance?” Oh, ‘di ba para na ‘kong timang. Ayaw tumigil ng utak ko. Napapasulyap-sulyap ako sa mukha niya. Sobrag kalmado lang din siya and yung tipong determined na matuto. Ang ganda niya. Ang kinis ng balat niya. Ang aliwalas ng mukha niya. Ang ayos ng pagkakatali niya sa buhok niya. Hep, Grey! Ano ‘yan? Gusto mo siya? Tumigil ka! Alam mo naman ang totoong ugali niyan. Masungit yan. Mataray pa. Akala mo kung sino. Hindi dapat ‘yan. So sa ilang segundo lang ay bumalik sa isip ko yung mga pagtataray niya sa 'kin. Napailing-iling ako. Sayaw lang. Practice lang hah para matapos na. Ayun lang. Naapakan niya ‘ko bigla. "Hala sorry!" sabi ni Ms. Mondragon. Hala! Nag-sorry siya! 'Di na siya nagtataray. Ah, hindi, hindi. Hindi naman kasi niya sinasadya so nag-sorry siya. "Ayos lang. Tuloy na natin." Sabi ko. Hinayaan ko na lang. Ni hindi ko na nga rin siya nasungitan, eh. Ang natural ko lang ganun. Makalipas ang ilang minuto ay natapos na yung PE time and bumalik na kami sa room. Natuwa ako deep inside nung sinabi niyang ich-chat na lang niya ko. Tapos magme-meet up pa kami. Wala lang may ganap na sa buhay ko matapos ang mahabang panahon. ‘Wag niyo po akong i-judge please. Hindi ko alam pero masaya ako na kaklase ko si Ms. Mondragon for the whole school year. Sobrang saya ko na nasa iisang room lang kaming dalawa. “Hala ba't ba ko natutuwa? 'Di 'to pwede.” Kinausap ko ang sarili ko. “Ni hindi mo pa nga siya kilala eh. Pangalan pa lang ang alam mo sa kaniya.” "Eh, paki ko ba sa kaniya." Nasabi ko nang malakas Nagulat ako nung bigla niya akong tinanong. "Ba't ang baba ng aura mo?" tanong niya. “Hala ano na 'to? Nagbago na siya? 'Di na niya ko inaaway oh my.” Ayan siguro ang tumatakbo sa isip niya ngayon. Kanina pa pala ata siya nagsasalita pero hindi ko siya napapansin o naririnig. Bumalik na ‘ko sa ulirat. Sasagot na dapat ako sa kung anong tanong niya pero 'di ko na nagawa kasi lumingon na siya. Napatanga kasi ako sa kaniya. Ano ba naman ‘yan, Grey? Nung vacant period ay pinuntahan ko sina Kiel, Royce, at Rence sa cafeteria. Naisipan ko lang silang kausapin at samahan. Though ito na ang usual routine namin pero nagsabi kasi ako last time na hindi ako makakasama sa kanila and hindi na natuloy ang plano ko so sasama na lang ako sa kanila. Hinanap ko muna sila syempre. Naabutan ko silang kumakain. So ako dali-dali akong um-order tapos umupo ako sa harapan nila. "Oh, Grey!" wika ni Rence. "Ba't nandito ka?" "Bakit, ayaw mo ba?" sagot ko. "Hindi naman. Nagulat lang ako." "Wala lang gusto ko lang kayong kasama at makausap. 'To naman para tayong 'di magkakaibigan, ah." So ayun nagpatuloy na kaming kumain. "Ikaw na-inlove ka na ba?" tanong ko. Napaka-random ko talaga ngayong araw. "Sa’n naman nanggaling yan? Ba't mo naman natanong?" tanong ni Royce. "In love ka ba?" "Hindi. Natanong ko lang. Naisip ko lang bigla." “Parang that’s so uncharacteristic of you to ask about that. Something is happening.” Pag-iimbestiga ni Kiel. “Promise. Just a random question. Nothing else.” I sweared to them. "Hindi ko sure eh. Pa’no ba mainlove?" Balik sa ‘kin ng tanong ni Royce. At yung patutuguhan ko sanang tanong ay natanong sa akin. "Wala pa, eh. Never pa ‘kong naging seryoso pagdating sa love. Alam na alam niyo ‘yan. Except lang sa mga pinaggagawa ko nung bata pa ako. Sa ngayon, siguro sa tumayong mga magulang at sa mga kaibigan, ayun, alam ko ‘yun." Sagot ko. "I mean pa’no mo ba masasabing in love ka na?" tanong muli ni Royce. "Hindi ko nga alam." Muli kong sagot. "Ang alam ko kasi may tatlo daw ‘yan, eh. Infatuation, attraction, at yung mismong love." Sabi ni Kiel. "Bakit, may natitipuhan ka ba? "Wala naman. Naisip ko lang talaga." I insisted. At ayun 'di na ‘ko nagsalita ulit tapos kumain na lang kami. Baka nga siguro attracted lang ako. Eh, kasi naman maganda siya kaso yung ugali naman. Pero kanina ewan ko. May kabaitan naman siguro 'to. Hala! Anong mabait siya? Hindi, hindi. Hala! Ako? Attracted sa kaniya? Ewan... So after naming kumain ay dumiretso na ‘ko sa library para sa library project namin. Ang daming alam ng Phil Arts teacher namin. Nakipag-collab pa ang EAPP teacher namin kaya naman wala akong choice kundi gumawa. Hala magkikita kami... Syempre pupunt rin sila roon kasi binigay ang time namin para gumawa sa library. “Ano ba ‘yan, Grey? As if hindi kayo magkaklase? Araw-araw naman talaga kayong nagkikita. Conscious ka na?” Kausap ko sa sarili ko. "Eh, ano naman ngayon?" Sabi ko sa sarili ko. So ayun act normal lang. Naiilang akong tignan siya. Nilapitan niya ‘ko. Kinabahan ako. "Anong meron, Ms. Mondragon?" sabay ngiti ko para kunwari ay mapang-asar. Hala, oo nga pala dapat hindi ko siya papansinin! Pero ayos lang. I can still annoy her. "Wala lang. Ano nga pala sa Sabado dun na lang tayo sa condo ng magulang ko. Ok lang ba?" tanong niya. “Bakit tayo mag-co-condo?” tanong ko. “Anong bakit?” “Condo? Tayo? Para saan?” Takang-taka ako. Napaisip tuloy ako kung bakit niya ‘ko yayayaing mag-condo. May gusto ba siyang mangyari? Hmmm… “Practice, baliw!” Sabay takip niya sa bibig niya dahil ang ingay niya at nasa loob kami ng library. "Ah! Oo nga. Ayos lang naman. Saan ba?" tanong ko. "Sa may condo ng Mommy ko, eh." "Oh, ang layo siguro." "Ano, ihahatid naman tayo. Tapos pauwi mag-isa ka na nga lang. Linggo pa kasi ng gabi ang uwi ko." Nag-isip ako. "Ano, Mr. FC?" tanong niya. "Hindi ba pwedeng, ano, dun na lang tayo sa dorm ko tapos sa rooftop na lang tayo mag-practice. Diyan lang naman yun sa kabilang kanto." Suggestion ko. Hindi ko talaga dorm ‘yun actually. Doon nakatira sina Royce at Rence. Magkatabing unit sila. Buti na lang at naisip ko ‘yun kaagad. "Sige dun na lang sa inyo. Mas easy para sa atin." "Students, do your work quietly. Focus." Sita sa amin ni Ms. Hernandez, ang head librarian. "Sorry ma’am." Sabi ko. "Sorry po." Sabi ni Deign. "Sige mamaya na lang. Chat na lang kita." Sabi ko. "Ok." Sagot niya. Wow! Totoo ba? Sinabi ko sa kaniya na ich-chat ko siya mamaya? Oh my… Lagi akong napapatingin sa direksiyon niya. May ibinabalik siyang libro sa may bandang taas na medyo hindi niya maabot. "Anong tinitignan mo?" tanong sa akin ni Maica. "Wala. Baka kasi mamaya, ano. Teka ba't ba ko nag-eexplain sa ‘yo?" "Tulungan mo na kasi." Pagpipit niya sa akin. So ayun lumapit na nga ako kay Deign. "Kailangan mo ng tulong?" tanong ko. "Nope. Kaya ko na 'to. Ilan na lang naman, eh." "Tulungan na kita." Pagpipit ko. "Hindi, ayos lang talaga ako rito." Sabi niya. Kinuha ko yung ilang libro. Inilagay ko sa itaas. "Edi ikaw na gumawa." Sabay umalis siya. Dali-dali kong inilagay yung ibang natitirang libro tapos sinundan ko siya. Hinawakan ko siya sa kamay. "Sorry na." kumalas siya sa pagkakahawak ko. “Ang ayos na ng pakikitungo sa ‘yo tapos magsusungit ka pa rin?” "FC ka talaga. Certfied." Sabi ni Deign. "Bakit ba galit na galit ka sa 'kin?" tanong ko. "Hindi ko alam. Kapag nakikita kita naiinis agad ako." Sagot niya. “Tapos ang weird mo pa. Biglang ang bait mo.” "Lagi ka namang ganiyan. Nagmamalasakit na sa ‘yo yung tao tinatanggihan mo pa." "Eh, hindi ko naman kasi hinihingi yung tulong mo and besides I rejected your help." "Sorry ulit." At umalis akong medyo nalungkot. Pero hindi pa rin ako natigil sa pagtingin-tingin sa kaniya. Gusto ko siyang tulungan. Gusto ko siyang samahan. Gusto ko siyang makasama. Gusto ko siyang makilala... Hindi 'to love ‘di ba? Ilang araw pa lang kami nagkakasama. I would just like to know more about her. Pagkauwi ko sa bahay namin ay agad akong humilata. Kinuha ko yung phone ko sa bulsa ko. Ako na yung nag-add sa kaniya sa f*******:. Naghintay akong i-accept niya yung request ko. Buti naman at inaccept niya agad after one hour. Akala ko hahaba na naman ito at mauuwi sa away. Hala ich-chat ko na ba siya? Me: Hello, itatanong ko lang sana kung anong oras tayo sa Sabado. Ms. Mondragon: Go ask. Me: Anong oras tayo sa Sabado? Natawa ako sa sarili ko. 'Di ka talaga nag-iisip nako. Ms. Mondragon: Ikaw bahala. Me: Anong oras ka ba pwede? Napakasungit pa rin ng vibes niya. Ms. Mondragon: Ano, siguro mga hapon. Magliligpit pa ‘ko, eh. Uhmmmm mga 2:30 pm. Me: Ah sige sige. Hanggang anong oras tayo? Ms. Mondragon: Siguro ok na yung mga 6 pm or mas maaga pa. Hindi naman natin siguro kailangan ng pang-cheerdance na performance, ‘no? Ang sarcastic niya. Me: Ah, sige. Ms. Mondragon: *Like* Me: Mag ano ka na nga lang pala yung pangjogging na outfit ganun. Ms. Mondragon: *Like* Me: Ihahatid na rin kita pauwi. Gabi ka na uuwi, eh. Ms. Mondragon: No need. Malapit lang ako. Me: Ah, ganun ba. Sige. Ms. Mondragon: *like* Wow talaga. Naka-ilang like signs na ‘ko, ah. Ayaw talaga niya ‘kong kausap. So ayun syempre ini-stalk ko muna siya. Yung profile picture niya ano nung Foundation week pageant pa. Sa ibang school yata. 'Di ko naman siya nakita nung huling pageant last year. O sadyang hindi ko lang siya mamukhaan at maalala. Transferee ata siya? Akala ko from other block section siya. Pero hindi ata siya transferee. Mali ako. Well syempre sobrang ganda niya dun sa dp niya. Sinave ko yung picture. Nasa gallery ko na. “No!” Sabay delete ko sa picture niya. “Anong ginagawa mo, Grey?” Lumabas ako ng bahay tapos pinuntahan ko sina Kyle at Jen. Nag-motor ako. "Oh kuya bakit andito ka pa? Anong oras na, oh." Panenermon ni Kyle. "May papakita ako sa inyong picture." Sabay labas ko nung phone ko. "Ayan." Sabay pakita ko sa kanila nung picture. Nasa deleted ko pa naman kaya ni-recover ko muna. "Wow kuya ang ganda naman niya. Girlfriend mo?" tanong ni Jen. "Hindi pa." "Ay 'hindi pa' so balak mo pong ligawan? Parang sure ka na na magiging kayo, ah." Sabi ni Kyle. "Ano, hindi pala. Ayun, hindi ko siya girlfriend. Pero pasado ba siya sa inyo?" tanong ko. "Oo naman kuya. Maganda, eh. Bagay kayo kung sakali." Sagot ni Kyle. "Ang tanong mabait po ba tapos masipag katulad niyo?" tanong ni Jen. "Hindi ko alam. Sana. Siguro. Malay natin." Sagot ko. "Nako binata na si kuya. Ngayon lang umiibig." Sabay tawa ni Kyle. "Halatang in love siya, oh. Ang aliwalas ng mukha tapos ang blooming pa." "Oy, baliw hindi. Nako tara kumain na nga lang tayo. Punta tayo dun sa carinderia." Yaya ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD