Chapter 34: New Version
Grey’s POV
Isang linggong pag-ibig (new version)
First day of our Sembreak. Monday.
Lunes ng tayo'y naglinis ng bahay.
Nag message sa akin si Jayvee.
Friend! I thank you for everything. You know naman na I've been a good friend to you since from the start of our high school life. I really appreciate your thoughtfulness and your kindness. I am sorry if sometimes I do something bad or if i had said something bad against you that makes you feel bad. Ano ba naman yan puro bad. Hahahahaha. Salamat nga pala dun sa make-up si Deign lang yung umubos! Di man lang ako nakagamit. Pero ok lang. Ito ang tandaan mo ah: Itext or tawagan mo lang ako kung kailangan mo ako or siguro i-chat mo na lang ako sa sss, twitter, at i********:. Yun lang and thank you very much.
As soon as you read this siguro nasa America na ako. We will live there for good.
Mamimiss ko kayo sigurado 'yon. Kahit na nasa malayo na ako ay patuloy ko pa rin kayong iisipin. Di kayo mawawala sa buhay ko. I will never forget you guys because you gave light and color to my life. Wag kayong iiyak ah. Papangit ka lalo Grey.
I will never say goodbye to you because alam ko magkikita pa ulit tayo so see you soon na lang.
Nung una ay napakasaya ko. Naalala ko yung mga masasayang moments namin pero nung mabasa ko na sa US na siya titira ay nakaramdam ako ng matinding kalungkutan para bang namimiss ko na siya kaagad. Bakit dun na sila titira? Inisip ko na lang na para na rin sa kaniya 'yon at sa future niya.
At ito na naman! Inaatake na naman ako ng phobia ko. May umalis na naman at hindi ko sure kung kailan babalik o babalik pa nga ba siya.
Bakit ba kailangan na lang laging may umaalis? Lagi ko na lang to nararamdaman taon taon. Napakalungkot ko ngayon. Ayoko pa naman ng flash backs pero ngayon nagsisimula ng magflash back lahat sa utak ko. Naiiyak na ako. Wala ng magpapatawa sa classroom. Wala ng kasiyahan sa room. Wala na yung laging nagpapasaya sa amin sa tuwing bngag kami, malungkot kami, o sa tuwing nakakaramdam kami ng pagkadepress. Wala na yung kaibigan ko. Wala ng magpapasaya sa akin. Wala ng Jayvee sa buhay ko.
"Hay nako Grey! Tumigil ka na sa kakaiyak! Hindi naman siya namatay!" sabi ko sa sarili ko.
Pero ganun talaga akong tao. Masyado akong madamdamin sa mga usapang 'iwanan' at 'may umalis for good'. Siguro medyo oa na ako pero hindi ko masisi ang sarili ko. Umalis na yung Best Friend ko ng apat na taon na.
Tinawagan ko si Jayvee. Pero hindi na ito sumasagot.
"Ay nako timang! Malamang wala kang load sa roaming. Nasa ibang bansa na siya." Sabi ko sa sarili ko.
Pinuntahan ko na lang si Deign sa bahay nila.
Pagkarating ko sa bahay nila ay nakita ko sa sala si Deign na umiiyak. Nilapitan ko kaagad siya. Pinunasan ko ang luha niya gamit yung panyo ko.
"Wag ka ng umiyak Deign." Sabi ko.
"Bakit di man lang siya nagpakita sa atin para magpaalam ng personal?" Humahagulgol na sa pag-iyak si Deign.
"Kasi siguro mas masasaktan lang siya pag nakita niya pa tayong umiiyak sa harapan niya."
"Kung ganon eh bakit kailangan pa niyang umalis?"
“Mas maganda ang quality of education sa US. Mas magiging maganda ang future niya doon tutal kaya naman siyang paaralin ng family niya doon." Paliwanag ko kay Deign at sabay yakap ko sa kaniya.
"Bakit naman kasi biglaan yung pag-alis niya. Pwede namang after graduation na lang ahh."
"Ako nga rin nagtataka eh. Pero let's just be happy for him na lang." sabay punas ko ulit sa luha niya at inayos ko yung mukha niya. "Mas gaganda ang buhay niya doon. Feeling ko hindi rin niya tayo matitiis nun tatawag at tatawag rin yun. Kaya wag ka ng malungkot."
At tumigil na sa pag-iyak si Deign. Ngumiti na ulit siya.
"Oy buti na lang pumunta ka dito. Umalis si mama eh kailangan kong linisin 'tong buong bahay bago ako gumala, in short bago ko gawin ang gusto ko." Sabi ni Deign.
"So sinasabi mo bang tulungan kita?" tanong ko.
"Yes please!"
Di ako sumagot
"I'll take that as a yes. Magsimula na tayo dito sa sala."
At nagsimula na nga kaming maglinis sa sala.
"Ako ang magwawalis. Tapos i-mop mo pagkatapos ah. Sabi ni Deign.
"Paano kaya kung punasan muna natin yung mga aparador, picture frames at mga pigurin bago ka magwalis." suggestion ko.
"Talino mo talaga!"
At binigyan ako ng basahan ni Deign. Pinunasan niya yung mga picture frames at ako naman ay yung mga pigurin sa mga aparador.
"Deign. Tapos ka na ba diyan?" tanong ko.
"Malapit na."
"Pagkatapos mo diyan punta ka dito."
"Sige."
At natapos na si Deign.
"Ano bang gagawin?" tanong niya.
"Hindi ko na maabot yung taas. Kailangan kitang buhatin." Sabay upo ako. "Sakay na sa likod ko."
"Teka. Baka naman mahulog ako niyan."
"Hindi 'yan! Malakas naman ako no. Just trust me."
At sumakay na sa likod ko si Deign.
"Siguraduhin mong mapupunasan mo lahat ah."
"Opo."
At ibinaba ko na siya.
"Ang bigat ko ba?" sabay punas niya sa pawis ko ng panyo niya.
"Ang gaan gaan mo nga eh. Kumain ka pa ah."
"Makapagwalis na nga!"
Winalisan niya ang dining area, kitchen area, at yung living room. Pagkatapos nun ay minop ko na yung sahig.
"Saglit lang ahh. Liilinisin ko lang din yung mga kwarto sa taas."
At hinintay ko na lang siya na matapos. Biglang may narinig akong malakas na lagabog. Dali dali akong umakyat sa itaas papunta sa kwarto niya.
Ngayon lang ako nakapasok sa kwarto niya. Napaka simple lang nung kwarto niya. White yung pader, nakatile yung sahig na katulad ng nasa baba na tiles.
"Anong nangyari sa 'yo?" pagtatanong ko ng may halong kaba.
"Eh nahulog kasi ako. Tumuntong ako dun sa aparador. Pero ok lang ako." Paliwanag ni Deign.
"Sigurado ka?"
"Yup."
"Maupo ka na lang diyan sa kama at ako na ang magpupunas at maglilinis."
"Pero bawal ka dito ah."
"Papagalitan lang ako kung sasabihin mo."
At nanahimik na siya. Umupo na siya sa kama at nagsimula na akong maglinis.
Dinalhan ako ng maiinom ni Deign at pinupunasan niya ang pawis ko habang naglilinis ako.
Deign’s POV
Habang naglilinis si Grey ay di ko mapigilang mapatitig sa kaniya. Meron pa la siyang muscles. Tapos tamang tama at nakasando lang siya so bumakat sa sando niya yung abs niya at mas lalo ko pa itong nakita nung pinagpawisan na yung sando niya. Aba naman! Matalino na, gwapo pa, macho pa.
At natapos na kaming maglinis sa 2nd floor ng bahay.
"Mr. Dense, maliligo lang ako ahh. Puro alikabok na ako."
"Sige uuwi na rin ako para makaligo."
Second day of our Sem break. Tuesday
Martes ng tayo'y nanood ng drama.
Pinapunta ko ulit sa bahay si Grey para makapanood kami ng movies.
"Anong movie naman ang papanoorin natin?" tanong ni Grey sa akin.
"Teka alam ko na." sabay saksak niya ng CD sa DVD player. "Yung tatlong short film natin mula nung 1st year hanggang 3rd year."
"Ikaw bahala." Sabi ni Grey.
Ang una kong pinlay ay yung Sillhouete of Temptation. Kung saan si Jayvee at JC yung bida at love team.
"Mas namimiss ko lang tuloy si Jayvee." Sabi ko.
"Eh kasi naman yan pa ang pinanood natin."
"Sige iba na nga lang." Napilitan ako. "Eh napanood mo na ba yung Got to Believe?"
"Ano yun?"
"Ah ge never mind."
"Yung Live SOS na lang!" naexcite ako. "Di ko pa napapanood yun since nung binili ko."
"Mabuti pa!"
At tinodo ko yung volume sa TV at speakers.
"She looks so perfect standing there with my American apparel underwear and I know now that I'm so down." Kumanta ako. Nag head bang ako tapos winasiwas ko yung buhok ko.
"Ang sakit sa ulo!" at napatawa na lang ako.
"Ehhhh eh eh! Ehhhh Ehhey!" Sinabayan ni Grey yung tugtog at tumalon talon siya pagkatapos ay bigla niyang sinabi:
"Let me hear you sing!!!!"
Sa sobrang kabaliwan namin ay baka takbuhin na kami nung barangay tanod dito sa amin. Ewan ko ba feel na feel ko talaga yung tugtog. Naaalala ko pa yung concert nila dito sa Pilipinas. Grabe! Halos magkawatak watak na yung katawan ko nun at kilig na kilig ako kasi nandun si Luke Hemmings At ngayon nagbabalik na naman yung pakiramdam na 'yon lalo na yung feeling na for two seconds ay nagka eye to eye contact kami ni Rob-Rob.
Humawak ako ng walis tapos ginawa ko itong gitara. Kinuha ni Grey yung mop at ginawa niya yung mic tapos nagpakarocker at baliw baliwan na kaming dalawa.
"Hindi ka ba magtatanggal ng damit?" tanong ni Grey. "Diba kasama yun."
"At bakit naman ako maghuhubad? Music video ba 'to?" tanong ko. "Yang isip mo ah."
Pero parang ako hindi.
At nginitian ko na lang siya.
"Oh yeah! Don't stop ...! No way no way no way!"
Grey’s POV
Third day of our Sem break. Wednesday. 46th monthsary <3
Miyerkules pinatunayan mo 'yong pag-ibig
Pinagluto ko si Deign ng mga paborito niyang pagkain at nagkaroon lang kami ng simpleng salu-salo.
Pagkatapos ng araw na iyon ay natigil ang sanlinggong pag-ibig dahil kaming pamilya ay pumunta sa probinsiya, sa Pampanga, para bisitahin yung mga kamag anak namin. At ganun din sila Deign kaya nga lang sa Valenzuela City lang sila.
Ang saya dahil aalis kami pero ang lungkot rin dahil hindi ko siya makikita.
Fourth day of our sembreak. Thursday.
Huwebes pumunta tayong probinsiya
Fifth day of our Sembreak. Friday
Biyernes ay namimiss na kita.
Weekened
Sabado mababaliw na 'ko dito.
Weekend
Linggo sa wakas umuwi na kami.