Chapter 33

1497 Words
Chapter 33: Never Grey’s POV Time to review Two days na lang at 2nd quarter exams na. Kailangan ko ng magreview. Biglang nag ring yung cellphone ko. "Hello. Tita?" "Buti naman Grey at sinagot mo na yung phone mo." "Ay Tita. Bakit po kayo napatawag?" "Pwede bang pumunta ka dito sa bahay at pilitin mong mag-aral tong si Deign. Tinatamad daw siya eh." "Ay oh sige po Tita. Ako na po ang bahala kay Deign." At pagkatapos nung tawag na yun ay pumunta kaagad ako sa bahay nila. Pinababa ni Tita si Deign sa sala at dun kami nag-aral. "Ahhh ayoko na talaga mag review. Makakalimutan ko lang di naman yan agad. At magagamit ko ba yan sa Business Management?" "Yung Math oo." "Bakit kapag nagmimeeting ba kami sasabihin ko: So if we will x+y with the square root of z raised to the 8th power blah blah blah." "Eh kahit na. importanteng dapat pasado grades mo para naman malaki ang chance na makakasama kita sa college. Ayaw mo na ba akong makasama?" "Syempre gusto. Pero - " "Wala ng pero pero. Mag-aral na tayo." Nagsimula kami sa Math. Nung una naman ay matino pa siyang nakikinig pero nung tumatagal na ay nagiging parang makulit na bata na siya. "Ano bang paki ko sa theorems sa Trigonometry. Mas gugustuhin ko pang aralin yung teorya ng buhay eh. Pag sumakay ba ako ng jeep dapat bang sukatin ko muna yung sides at angles nung triangle? Diba hindi naman." "Hindi mo nga magagamit iyon don. Kaya naman natin kasi inaaral ay ineexplain kung bakit ba ganito ang mga bagay bagay. Ineexplain sa atin kung paano masosolve ang mga bagay bagay kung wala ang isa o dalawa o tatlo and so on." "Edi ikaw na. Next subject naman tayo." "How about Physics?" "Math na naman! Break muna tayo sa Math. Alam mo namang nga nga ako tuwing oras ng Physics natin diba." At nag beautiful eyes siya sa harapan ko sabay nginitian niya ako. Haaaaaaaaaaay! Ano ba kasing nagustuhan ko sa babaing to! "Sige Natural Science na lang." "Okay." Sabay ngiti niya sa akin. At sa wakas ay natapos na kaming magreview. Pero bukas meron na naman. God please help me! "Wait lang Grey ah sasagutin ko lang yung tawag." "Oh sige." Sabi ko. Deign’s POV Deign: Oh bakit ka napatawag Jayvee? Jayvee: I really need your help friend! Deign: Bakit naman? May nangyari ba? Jayvee: Pwede ka ba mamayang gabi. Mga 8 PM? Deign: Ano meron? Jayvee: Basta! Yes or No? Deign: Magpapaalam ako. Jayvee: Salamat talaga! Wear something nice ah. Hihintayin ka ng driver namin sa labas ng bahay niyo. Deign: Okay sige. "Ano kayang meron dun kay Jayvee?" Tanong ko sa sarili ko. "Sino yung tumawag?" Tanong ni Grey. "Bakit, selos ka?" "Para nagtatanong lang eh. Selos agad?" "De biro lang. Si Jayvee yung tumawag." At umalis na si Grey sa bahay. Ako naman ay nagpaalam na kay mama na pupunta ako kina Jayvee mamaya. Kinagabihan, nakabihis na ako at naghihintay na sa labas ng bahay. Sa wakas at dumating na yung sasakyan at inihatid na ako sa bahay nila Jayvee. Pagpasok ko sa loob ng bahay nila Jayvee ay bigla akong kinabahan kasi nandun yung parents niya. Nilapitan ako ni Jayvee. "Friend kailangan mo lang magkunwari ngayong gabi as girlfriend ko hah." "What? Ako? Magkukunwari?" tanong ko kay Jayvee "Paki hinaan mo naman yung boses mo oh." Pakiusap niya sa akin. "Pero bakit?" "Kasi totoo yung di pa ako umaamin sa parents ko. Eh since may family gathering kami at nasabi ko sa kanila na may girlfriend na ako last time eh gusto daw nila makilala. So sige na friend ngayong gabi lang." "Bakit kasi di mo na lang aminin yung totoo?" At hinila niya ako papalapit sa may dining area ng bahay nila "Mom. Dad. Relatives. Meet my girlfriend. Deign." Sabi ni Jayvee. At nung time na yon ay nawindang ako. Bakit ako pa? Bakit di na lang niya sabihin ang totoo sa pamilya niya? Bakit di na lang siya magpakalalaki kung natatakot naman pala siya? Sasabihin ko ba yung totoo sa pamilya niya o mananahimik na lang ako? At nilapitan ako ng parents ni Jayvee. "Nice to finally meet you Deign." Sabi ng Daddy at Mommy ni Jayvee at sabay shake hands at beso nila sa akin. Pagkatapos ako ipakilala ni Jayvee ay pinaupo na nila ako sa hapag kainan. Ngayon ko lang nakita umastang lalaki si Jayvee. Talo pa niya ang isang tunay na lalaki. Sobrang gentleman niya at malalahanin. Sana nga lang at lalaki talaga siya. Maraming magkakagusto sa kaniya at baka isa na ako dun. "So kamusta namang boyfriend itong si Jayvee?" Tanong sa akin ng mommy ni Jayvee. Hindi agad ako nakasagot. "Nako ma! Mabait naman po ako sa kaniya at minamahal ko siya ng sobra sobra." "Totoo ba yun Deign?" "Opo." Mahina kong sagot. "What are we waiting for. Let's eat!" sabi ng mommy ni Jayvee. At nagsimula na nga kaming kumain. Ang sasarap ng pagkain nila pero hindi ako ginanahang kumain ng gabing iyon. Nagiguilty pa rin ako sa ginagawa namin ni Jayvee eh. Para bang habang tumatagal ako sa bahay nila ay unti unti akong hindi makahinga. "Maayos naman ba sa school itong si Jayvee?" tanong ng isa sa mga kamag-anak ni Jayvee. "Ay opo ma! Matino po ako sa school." Pagmamalaki ni Jayvee "Hindi po siya gumagawa ng kalokohan. Hindi po siya masamang studyante." Sabi ko. Hay salamat may nasabi rin akong totoo. "Mabuti naman at ganon." Sabi ng Daddy ni Jayvee. "Ilang months na kayo Jayvee?" Tanong ng tito niya. "Malapit na po kami mag one year tito." Sagot ni Jayvee. "Kailan ba?" tanong ulit ng tito niya. "Ah sa November pa po eh." "Malapit lapit na pala. Bakit hindi kaya tayo magkaroon ng isang simpleng party." "Patay." Sabi ko sa sarili ko. Habang tumatagal padami ng padami ang kasinungalingang sinasabi namin ni Jayvee. Ito na nga ba ang sinasabi ko eh. Hindi lang ito ngayong gabi. Mauulit at mauulit din ito. "Ay nako wag na po tito." Sabi ni Jayvee. "Pero one year na kayo." Pilit ng tito ni Jayvee. "Kayo po ang bahala." "Jayvee mag-usap nga muna tayo." "Uhm please excuse us." At nag-usap kami sa sala ni Jayvee. "Ganito na lang ang gawin natin. Sabihin mo nag break na tayo ngayon ngayon lang." sabi ko. "Nababaliw ka na ba?" "Basta magtiwala ka na lang sa akin. Para sa ating dalawa 'to" "Oh sige. Nagtitiwala ako sa iyo." "So ganito, lalabas na ako. Ang sasabihin mo na lang na dahilan ay nung nag-uusap tayo sa sala ay sinabi ko sa iyong lesbian ako. Kaya hiniwalayan na kita kaagad. Magkunwari ka lang na malungkot kagaya nung ginawa mo nung birthday ko. Kaya mo yan!" "Maraming salamat friend!" "Ikaw naman kasi eh. Dapat sinabi mo agad sa akin yung problema mo para di ka na nahirapan ng ganito." "Salamat talaga. Hayaan mo makakabawi rin ako sa iyo." "Oh sige gumora ka na sabihin mo na sa kanila." Sabi ko. "Uy wagmo na patagalin yang di mo pag-amin ahh. Sabihin mo na sa kanila yung totoo hanggat maaga pa." "Sige ipapahatid na lang kita sa driver." At umalis na ako sa bahay nila Jayvee. "Lord! Tulungan niyo po si Jayvee sa sitwasyon niya ngayon. Bigyan niyo po siya ng kaliwanagan ng isipan." Sunday At ganun ulit ang ginawa namin ni Grey. Tinuruan niya ako hanggang tanghali. Pagkatapos nun ay nagsimba kami at pagkatapos nun ay humilata na lang ako sa kama. Tinawagan ko si Jayvee. Deign: Friend! Kamusta naman kagabi? Jayvee: Okay naman. Deign: Anong nangyari? Magkwento ka naman oh. Jayvee: Yun na nga. They said that you're an ass hole and you deserve to burn in hell. You're a liar, very pathetic and they also said that you're life is really and truly miserable because they let to raise a child to become a lesbian. Oh diba ang sakit. Ayaw na ayaw talaga nila sa LGBT. Ano pa kaya ang sasabihin nila sa akin pag umamin ako? Deign: Oo nga! Ang sakit naman magsalita ng pamilya niyo. Jayvee: Deign paano na ituuuuuu. I'm being crazzy right now. Deign: Hayaan mo pag-iisipan natin 'yan. Jayvee: Sige friend babush na. May pupuntahan pa raw kami. Pero wait lang! Magpapakalalaki na lang ako. Deign: Good luck sayo First day of the exams. Monday. Second day of exams. Tuesday. At nagsimula na ang exams. Napakadali lang nung English, Filipino, AP, Values Education, at MAPEH. Ang di ko talaga kinaya ay yung Math, Science, Physics, at Statistics. Natatakot tuloy ako sa makukuha kong grades sa apat na subject na 'yun. Pero syempre! Salamat kay Mr. Dense ko at I'm confident na papasa naman ako. Start pa naman ngayon ng panahon ng pagsa-submit ng mga files and information sa mga colleges. At sa wakas ay nag check na kami ng papers. Okay naman lahat. Yung Math ko lang talaga ang problema. Pero wag na lang natin pag-usapan yun. Past is past.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD