Third Person P.O.V. Alas kwatro ng umaga siya susunduin ni Kairo dahil yon ang kanilang usapan.Maaga siyang nagising at Maingat ang kanyang mga hakbang nang makalabas ng kwarto. Dahan-dahan niyang tinungo ang pinto ngunit boses ni Nicolai ang kanyang narinig bago pa man maipihit ang mortise lock ng pinto. "lalabas ka? ",may lungkot sa boses na tanong ni Nicolai. Nababalisang napaharap si Elara sa binata. Hindi niya alam kung paano sasabihin na aalis na siya. Agad siyang niyakap ni Nicolai nang mapansin na dala-dala niya na ang mga gamit. "Aalis kana? Stay here, Elara. Stay with me. Please", naluluhang saad ng binata habang mahigpit na nakayakap sa dalaga. Malakas na kumawala si Elara mula sa pagkakayakap ni Nicolai. "Kailangan kong lumayo sayo" "Bakit? "Dahil wala ng rason. Hind

