Third Person P.O.V. Binaba agad ni Elara ang tawag ni Kairo nang kumatok si Nicolai sa kanyang kwarto.Agad niyang tinungo ang pinto upang pagbuksan ang binata. "Naistorbo ba kita? Kailangan kong munang gamotin ang sugat mo sa leeg", wika ng binata matapos makapasok "Ayos lang po ako. Maliit lang naman po ang tinamo kong sugat", "Kailangan pa rin nating gamotin yan para mapadali ang paghilom. Maupo kana muna", utos ni Nicolai habang hawak-hawak ang medicine Kit. Napangiwi si Elara sa kunting kirot na hatid ng ginagawang pag gamot ni nicolai "Kunting tiis lang Elara", mahinahong saad ng binata. Sobrang lapit ng mga mukha nila sa isat-isa kaya hindi maiwasang mapatitig ni Elara sa gwapong mukha ng Binata. Napakaganda ng mga mata ni Nicolai kaya gustong-gusto niya iyong pagmasdan. May

