Elara's POV Malakas ang kabog ng dibdib ko habang mahigpit na niyayakap ni Senyorito. Hindi ko alam kung magiging masaya ba ako o magagalit sa kanya. Nangungusap siyang napatitig sa akin matapos kumalas sa pagkakayakap. "Let's go. Sumama kana sa akin Ha" "Hindi po ako sasama sainyo.Pacensya na po" "Baka mapahamak ka dito sa labas.Please, sumama ka sa akin", pakiusap ni Senyorito. "Kaya ko ang aking sarili kaya umalis na po kayo", giit ko. "Ang gwapo pala ng Nobyo mo. Sumama kana sa kanya, at magbati na kayo", singit ng babaeng pulubi sa amin. "Isama mo na siya Pogi dahil mapanganib dito. Sobrang ganda pa naman ng Nobya mo. Oh siya aalis na ako dahil nasa mabuting kamay kana", wika sa akin ng babaeng pulubi bago tuloyang umalis. Wala na akong nagawa kundi ang sumama kay Senyorito

