Third Person POV Natuyo na ang damit ni Elara habang nakaupo sa isang sulok. Dumidilim na at nakaramdam na siya ng gutom. Tumayo si Elara, at dahan-dahan na inihakbang ang mga paa para maghanap ng makakain.Isang daan lang ang pera niya ng mga oras na iyon kaya naghanap siya ng tinapay para makamura. "Pabili po ng tinapay. Isa lang po", aniya Elara matapos makakita ng isang Bakery. "Bayad ko po", dagdag niya pa. Matapos makuha ang tinapay at sukli ay naupo si Elara sa gilid para kumain. Ilang subo lang ay naubos niya iyon dahil sa gutom. "Sayo na itong tubig ko Ganda!", mabait na wika ng isang babae ng mapansin na nabubulonan na siya. Nanginginig na kinuha ni Elara ang isang maliit na bote ng Mineral. "Maraming salamat po sa inyong kabutihan", pasasalamat ni Elara sabay yuko. "Walan

