Elara's POV Patuloy ako sa pag-iyak matapos balibagin ni Senyorita Ravenna palabas ng Mansyon. Napahawak ako sa aking balakang dahil sa sakit nang tumama iyon sa semento. Pinilit ko ang sarili na makabangon nang biglang bumalik si Ravenna para itapon sa aking harapan ang Bag kong Banig. "Magsama kayo ng basurang yan!", sigaw niya sa akin. Inalis din ni Ma'am Ravenna ang aking suot-suot na Unipormeng pang-katulong kaya naka Bestida na lamang ako ng mga oras na iyon. Isang malakas na sampal pa ang aking natamo bago tuloyan niyang talikuran. Napahawak ako sa aking pisngi dahil sa sakit habang umiiyak. Kinuha ko ang aking Bag na banig dahil nandon ang aking kunting damit at mga gamit. Hinakbang ko ang aking mga Paa papalayo ng Mansyon. Lumingon ulit ako bago tuloyang nakalayo habang tu

