Third Person POV "Paano mo siya mapo-protektahan sa mga darating na araw kung ngayon pa lang ay hindi mo magawa?, pabulong ngunit matigas na saad ni Kairo. "Ipaglalaban ko ang pagmamahal ko sa kanya hanggang kamatayan! " "Paano mo siya maipaglalaban? Nakatali ka sa isang Kasal na gustohin mo mang makawala ay hindi maaari. Dahil Sa ginagawa mong yan ay si Elara lang ang masasaktan " "Gagawin ko ang lahat para makawala sa tali kahit ang kapalit ay ang rangya ng buhay na mayroon ako ngayon. Ipagtatapat ko na kay Elara ang nararamdaman ko para sa kanya. Hayaan nating siya ang mag di-desisyon kung sino ang pipiliin niya sa ating dalawa",saad ni Nicolai. Matapos ang diskusyon sa pagitan ng dalawa ay hinatid ni Elara si Kairo palabas ng Mansion. Nagugulohang napaisip si Elara kung ano ang pi

