Third Person POV "Nakita ko kung paano ka sabunotan ni Ma"am Ravenna kanina", bulong ni Aling Dalia kay Elara habang nag-uusap ang Pamilya Elegado at Ravenna sa Sala. "Binantaan na kita Iha na wag nang didikit kay Senyorito ngunit ginawa mo pa rin. Dahil sa ginagawa mo ay pwedeng masira ang kanilang relasyon,at masasaktan ka lamang. Para na ring anak ang turing ko sayo. Sa tuwing sinasaktan ka ni Ma"am Ravenna ay nasasaktan din ako, ngunit may mali ka din kaya niya nagagawa iyon.Pangalawang pagpapa-aalala ko na ito sayo, at sana ay makinig kana sa akin", seryoso at nangungusap na saad ni Aling Dalia. "Humihingi po ako ng tawad, Aling Dalia. Makakaasa po kayo na sa pagkakataong ito ay makikinig na ako sainyong sinasabi. Inaamin ko pong may pagkakamali din ako. Ilulugar ko na po ang aking

