Elara's POV Pagkatapos ng training namin ni Bebang ay umuwi ako ng aming Mansyon. Nadatnan ko si Mommy habang kumakain ng prutas sa sala. Gusto kong malaman kung ano ang update sa kaso ng Mommy ko dahil malakas ang kutob ko na may galit sa aming pamilya ang nasa likod ng pagbangga kay Mommy. Namumugto ang mga mata ko kaya napansin iyon ni Mommy. "Are you okay,anak? umiyak ka ba? " Ngumiti ako at tumabi kay Mommy. Hinalikan ko siya sa pisngi. "Ayos lang ako, Mommy. Kayo po, kumusta ang pakiramdam nyo? "Mabilis ang recovery ko, anak. Salamat sainyo ng Daddy mo. Kumusta pala ang trabaho mo sa Kompanya? Hindi ba mahirap? "Mahirap po sa una pero unti-unti ko na pong natutunan ang mga galawan" "Good to hear that, anak. Kumusta naman ang tutor mo, mabait at magaling ba? ", pagtukoy ni

