Replacement Husband
Takang napatingin ang dalagang bride sa Binatang nakasuot nangputing Tuxedo na dumatingsa venue nang kasal nila. Ang totoo niyang ilang oras na silang naghihintay doon. Nakatakda siyang ikasal sa anak nang kaibigan nang kanya ama. Isang kasal na bago pa siya makapagdesisyon kung ayaw niya o gusto ay nakasulat na yata sa aklat nang buhay niya. At wala siyang magagawa kundi ang tanggapin nalang.
Wala naman siyang maipipintas sa kanyang fianc, ang totoo niyan kahit na ilang beses palang silang nagkikita. Hindi naman niya maipagkakaila na talagang Magandang lalaki ito at bukod pa doon ito din ang tagapagmana nang isang sikat na shopping Mall sa bansa. Business partner nang papa niya ang ama nito at ipinagkasundo siyang ipakasal sa anak nito.
Hindi na siya tumutol, hindi rin naman masamang lalaki ang Binatang pakakasalan. Kahit na marami siyang naririnig na playboy ito maraming babaeng naghahabol nakikita naman niyang mabait ito. At gaya nang iba, naisip din niyang baka sa pagdaan nang panahon magagawa din niyang mahalin ang binata.
Sinundan niya nang tingin ang Binatang dumating na kumausap sa papa niya at sa ama nang fiancé niya. Ilang sandaling nag-usap ang mga ito hanggang sa ilang sandali pa ay napansin niyang naglakad ang mga ito papalapit sa kanya.
“Your fiancé had an accident. This is his ‘brother.’ He’s taking his place,”sambit ng kanyang ama, na waring walang bakas ng pag-aalala. Taka siyang napatingin sa lalaki. Hindi siya makapaniwala sa narinig. Hindi niya alam kung papaano e-iinterpret ang sinabi nang papa niya. He will be taking his place, anong ibig sabihin noon? Iyon ang nasa isip niya.
“I am sorry, dahil sa isang hindi inaasahang aksidente, he won’t be able to make it to your wedding today. At para naman hindi masayang ang lahat nang preparasyon natin at hindi masayang ang oras nang mga bisita. I’ve decided, that his younger brother will temporarily replace him today.” Paliwanag nang ama nang kanyang fiancé. Hindi pa rin lubusang nauunawaan ni Primrose ang sinasabi nito sa kanya.
Kung tama ang iniisip niya. Parang Stand in ang Binatang ito sa fiancé niya dahil hindi ito makakarating dahil sa isang aksidente. Napatingin siya ulit sa binata. Masasabi niyang gwapo ito. At kung tutuusin mas gwapo pa ito sa fiancé niya.
Sa gandang lalaki nito, papayag itong maging stand in nang kapatid niya sa kasal? Hindi naman yata niya maintindihan.
“You know, this marriage is important to both our families I cannot----” putol na wika nang ama nang Groom.
“I am sorry Uncle Bernard. Pero hindi ko yata maintindihan. Well, I understand. Zayne has an accident kaya hindi siya makakarating. But a Stand in? For my wedding?” wika nang dalaga saka bumaling sa papa niya. Tama ba nag naririnig niya? Papayag lang ang papa niya na makasal siya sa iba? Ano bang iniisip nito? Talagang Negosyo lang ba ang turing nito sa kanya.
Ang lalaking iyon ay kalmado at magalang. "Huwag kang mag-alala," sabi niya sa isang malumanay na tinig. "Nagpapanggap lang naman tayo. Hindi kita gagalawin." Wika nang binata sa kanya saka bahagyang inilapit nito ang mukha sa kanya at pabulong na sinabi ang huling mga binitawang salita.
“This marriage is pure business for both parties. Hindi naman pwedeng hindi matuloy. While Zayne is recovering----”
“Wait.” Nang dalaga. “Naguguluhan ako.”
“Okay. So let me make this clear. He is not a stand in but a replacement husband.” Wika nang ama ni Zayne. Na lalo namang ikinagulat nang dalaga. “It was an unfortunate accident. At para hindi naman mauwi sa wala ang naging kasunduan nang pamilya natin. We will still proceed with the marriage. But the original groom will be replace with his brother. Ryner.” Paliwanag pa nang papa nang binata.
“Hanggang kailan naman ang bisa nang kasal na ito?” tanong ni Primrose na pinipigilang maging sarcastic.
“Hindi ko alam kung kailan makakarecover si Zayne. But, I think Ryner is a good choice for a husband. Isa siya sa mga pinagkakatiwalaan ko. At kapatid siya ni Zayne. Hindi nagkakalayo ang ugali nila.”
“Hindi pwedeng malaman nang mga tao na hindi matutuloy ang merger nang mga kompanya natin. You need us just as much as we need you. This marriage will be both for our companies.” Wika pa nang ama ni Primrose saka bumaling sa anak niya.
“Don’t worry, matutulog ang kasal. Hindi naman si Prim ang anak na susuway sa kagustuhan ko.” Wika pa nito kay Primrose.
Naisip ni Primrose kahit tumutol siya hindi papayag ang papa niya at ang ama ni Zayne na hindi matuloy ang kasal nilang yon.
“Pwede ko ba munang makausap nang sarilinan si ----” wika nang dalaga saka bumaling sa binata.
“Ryner.” Anang binata sa kanya.
“Right, Ryner.” Ani Primrose na bumaling sa dalawang matandang lalaki.
“Sige, mag-usap kayo. Pero huwag masyadong matagal. Dahil baka mainip nanag mga bisita.” Wika pa nang ama ni Zayne. Simple namang tumango ang dalaga saka bumaling sa Binata. Nagapaalam ang dalawang matanda saka sila iniwan para makapag-usap.
“So, anong gusto mong pag-usapan natin?” tanong nang binata sa dalaga.
“Gusto kong malaman kung sigurado ka na ba sa pasya mo. Alam mong----”
“Hindi ako magpupunta dito kung hindi ako sigurado sa desisyon ko. O baka naman ikaw ang hindi makapagdesisyon kung itutuloy mo o hindi ang kasal na ito. hIndi naman kita masisisi. Sinong gustong matali sa isang relasyon----”
“Well, hindi na ako magpapanggap. Ayoko talagang magpakasal lalo na sa lalaking hindi ko gusto kaya lang siguro naman alam mong hindi iyon option lalo na sa mga tulad natin. At gusto ko lang ay makasigurong hindi magiging magulo ang sitwasyon. Pwede naman sanang hintayain na gumaling si Zayne bago ituloy ang kasal. Bakit kailangan pa nang replacement husband.”
“Trust me, maski hindi ko rin gusto ang set up na ito. But Zayne is my brother at halaga siya sa akin at ang pamilya ko. Ayokong masira ang pangalang iniingatan namin. And to do that, I have to make sure this marriage will happen. Alam kung ganoon ka din. Mahalaga saiyo ang pamilya mo.” Wika pa nang binata. Napatingin lang si Primrose sa binata. Ito ang unang beses na Nakita niya ang kapatid ni Zayne wala din siyang idea na may kapatid ito. Mas lalong hindi niya inaasahan nag anito ka selfless at ka family oriented ang kapatid nito sukat na pumaag na maging isang replacement husband.
“I will only agree to this marriage in one condition.” Wika nang dalaga.
“Say your terms.” Anang binata.
“Yung sinabi mo kaninang magpapanggap lang tayo----” naputol ang sasabihin ni Primrose nang biglang magsalita si Ryne matapos magpakawala ng isang smirk.
“I meant it. You are arranged to be married to my Brother. I am his replacement. Hindi naman siguro Magandang tingnan kung gagalawin ko ang magiging asawa niya. We can ba husband in wife sa papel. No physical contact. This is a marriage to satisfy our families desire. I bet-----”
“All right.” Biglang wika nang dalaga. “Mabuti nang nagkakaintindihan tayo.” Dagdag pa ni Primrose.
“I will be in your care, husband.” Makagulugang wika nang dalaga. Ngumiti naman ang binata. At ang totoo niyan. Bigla pang natigilan si Primrose nang makita ang mga ngiting iyon and her heart skips a beat dahil doon. Hindi maitatanggi ang angking kisig nang binata and his smile, para siyang matutunaw. Ni Minsan hindi ngumiti nang ganoon si Zayne sa kanya. Dahil alam nilang pareho na business arrangement lang ang kasal nilang iyon. But this guy, her replacement husband. May kakaiba sa mga ngiti niyang iyon.
“Don’t worry, dear wife. I will take care of you.” makahulugang wika nang binata na hindi naaalis ang ngiti sa mga labi. Na dahilan para lalo namang bumilis ang t***k nang puso ni Primrose. Iniisip niya lang ba? Bakit malalim ang kahulugan nang mga salitang iyon.