Pagdating ni Ryner sa lobby ng Prism and Pearl building, agad siyang napahinto. Naupo si Primrose sa isa sa mga sofa, bahagyang nakayuko ang ulo, tila ba may pilit na tinatago. Suot nito ang turtle-neck long-sleeved shirt, sa gitna ng tag-init. Isang detalye na agad kumurot sa dibdib niya. Hindi iyon normal. Hindi iyon basta fashion choice. At nang bahagyang tumingala ang dalaga. Nakita niya ang pasa sa gilid ng mata nito. Pati ang labi, may bahid ng pamamaga. Parang may sumabog sa dibdib ni Ryner. “What happened to your face?” tanong niya, mariin ngunit pigil, habang palapit nang palapit. Napakurap si Primrose. Agad nitong iniwas ang mukha, tila ba umaasang mawawala ang nakikita niya kung hindi siya titingnan. “I’m okay,” mabilis nitong sagot. “It’s nothing.” “Nothing?” Tumayo na

