In the Hallway of What-Ifs

1385 Words
“Sinong inaabangan mo diyan?” tanong ni Hannah na lumapit kay Primrose na nakatayo sa labas nang Ball room. Nasa isang hotel sila noon para sa event nang Prism and Pearl. Gabi iyon nang launching nang bago nilang jewelry collection. Nang marinig ni Primrose ang boses nang nagsalita napalingon siya dito. Doon Nakita niya si Hannag suot ang isang stunning Black dress. Hindi niya maitatanggi na napakaganda nang dalaga sa suot nito. At mukha ding nakapag-adjust na ito sa atmosphere sa paligid. Simula nang maging malapit silang dalawa aminado ang dalaga na maraming bagay na malaki ang pagkakaiba nil ani Hannah. Una palang sa ugali nakikita niyang agresibo ang dalaga lalo na sa mga bagay na gusto nito. Ni hindi inaasahan na magiging nurse ito nang baseball team nina Ryner. Nang tanungin niya ang binata kung anong dahilan kung bakit siya naging nurse nang baseball team at kung mahilig bai to sa baseball. Sinabi nito na naiintriga ito kay Ryner. Lalo na noong dinala ito sa hospital noong nainjury ito, gusto nitong maintindihan ang binata lalo na ang baseball. “Huhulaan ko hinihintay mo si Ryner?” tanong ni Hannah. “Baka hindi siya makadalo. Alam mong may laro sila ngayon.” Wika pa nang dalaga. Napatingin lang si Primrose sa dalaga. Hindi naman lihim sa kanya na may laro si Ryner. At wala din naman itong ipinangako sa kanya nadadalo ito. But she was hoping. “Pumasok na tayo, mukhang nasa loob na lahat nang executive na hinihintay.” Wika ni Hannah sa dalaga. “Susunod ako. Mauna ka nalang” Anang dalaga at simpleng ngumiti. “Huwag kang masyadong maghintay. He is busy. Malapit na ang quarter finals he needs to focus sa laro.” Wika pa nito sa kanya at simpleng tinapik ang braso niya saka tumalikod at naglakad papasok nang Ball room. Tipid na ngumiti si Primrose saka napabuntong hininda at muling napatingin sa pasilyo. Umaasa pa rin siya na darating si Ryner, pero parang naghihintay lang siya sa wala. “Bakit ka nandito? Hindi ka ba sinipot nang replacement husband mo?” sakristong wika nang isang boses. Nang marinig iyon ni Primrose napatingin siya sa pinanggagalingan nang boses. “Zayne.” Simpleng wika nang dalaga. “Don’t tell me siya ang hinihintay mo. You know what? Sinasayang mo lang ang oras mo. Hindi si Ryner ang taong magkakainteres na pumunta sa ganitong lugar. Why else would he choose baseball over helping his family in running the family business?” ani Zayne. Hindi naman kumibo ang dalaga. “Tayo na sa loob. Naghihintay na ang lahat.” Anito at akmang aabutin ang kamay nang dalaga pero biglang inilayo ni Primrose ang kamay sa binata. “I’ll wait for him. Thank you.” polite na wika nang dalaga. “Well. Ikaw ang bahala kung gusto mong mamuti ang mata ko kakahintay sa taong hindi na dadating suit yourself.” Wika pa ni Zayne saka tumalikod at nagsimulang maglakad papasok sa ball room ngunit bigla itong huminto at lumingon sa kanya. “Oh, by the way. Nag desisyon ang mga magulang natin na e-announce ang engagement natin ngayong gabi.” Ngumising wika nito. “What?!” gulat na bulalas nang dalaga. Walang sinasabi ang papa niya tungkol doon. At hanggang ngayon pa rin ba hindi pa rin sumusuko si Zayne sa kagustuhan niyang magpakasal sa kanya. with his status nagmumukha siyang mababa, forcing a marriage sa babaeng kasal na. “You know as much as I do. That’s impossible. I am already married.” “You know our parents does not recognize your marriage as valid. Sooner or later, maghihiwalay din kayo. Ang kasal na walang blessings mula sa mga magulang----” “And do you think a marriage without love will survive?” agaw nang dalaga. “Oh, and you are telling me, you married Ryner out of love? He was my replacement.” Sakristong wika ni Zayne. “Go wait for him or whatever you want. This will be your last.” Ani Zayne saka naglakad papasok sa loob nang ball room. Ang Yabang. Wika nang dalaga saka lumingon sa entrace, pero ilang minuto na siyang naghihintay doon wala pa ring Ryner na dumadating. Napalingon siya sa loob nang ball room, nagsisimula na ang auction pero ni anino ni Ryner hindi niya nakikita. Nangangalay na din ang paa niya sa kakatayo. Then she decided na hindi na maghintay sa binata. Kapag nagtagal pa siya doon at nagsimula na ang event tiyak na pagagalitan siya nang papa niya. Kaya naman naisip niyang maglakad papasok. Malungkot siyang hindi dumating si Ryner. Hindi naman siya pwedeng magalit sa binata dahil sa alam naman niyang may laro ito. Hindi naman pwedeng bigla nalng itong lilipad papunta sa event nila. “And finally, the last piece of jewelry for tonight.” Wika ni pearl na nasa entablado. Eksaktong naglalakad siya papunta sa mesa kung saan nakaupo ang papa niya at ang pamilya ni Zayne. Biglang natigilan ang dalaga nang tanggalin nang babaeng ang telang nakacover sa glass na box kung saan nandoon ang huling jewelry na isusubasta. Nanlaki ang mata nang dalaga at natigilan habang nakatingin sa jewelry sa loob nang box. Hindi lang siya ang nagulat kundi maging ang mga taong nandoon. Naririnig niya ang bulungan nang mga ito. Nagtatanong kung anong pumasok sa ulo nang executives nang Prism and Pearl at bakit isasali sa auction ang isang ordinaryong kwentas. Hindi maalis ang mat ani Primrose sa kwentas na nasa loob nang box. Iyon ang kwentas na design niya and was rejected by Pearl dahil sabi nito it was too ordinary at walang kahit sinong magkakagusto doon. At tama si Pearl, sa mga naririnig niya nahihiya siyang nandoon ang kwentas na iyon. “Sino naman ang designer niyan? This is a mockery even sa design team nang prism and pearl.” Wika nang isa sa mga nandoon. Dahil sa narinig ni Primrose nag mamadali syang lumapit kay Pearl na nasa stage. “Anong ibig sabihin nito? I thought—hindi ilalabas ang design na iyan. And that’s not even--” wika nang dalaga na muling napatingin sa design. Ginawa niya iyon mula sa baseball na ibinigay sa kanya ni Ryner. She was thinking about Ryner when she designed that necklace. It’s a locket pendant necklace with the image of the baseball that Ryner gave her. She made it as a gift to Ryner, supposedly. Ipinakita niya iyon kay Pearl at sinabing pwede silang gumawa nang mga ganoong customized designs for couples who wants to remember their love and memory. But she outright rejects it, saying it was too sentimental at walang magkakagusto nang ganoong concept. “This is called the silver whisper of memory, This pendant cradles the image of a young boy—Ryner—etched in tender detail beside a baseball, symbolizing innocence and dreams. Encircled by the midnight brilliance of black diamonds, it hangs like a promise from a shimmering silver chain: a tribute to love, legacy, and the quiet strength of remembrance.” Wika ni Pearl na hindi pinansin ang sinabi ni Primrose saka tumingin sa mga dumalo nang event saka sakristong ngumisi. “Should we start the bid.” Anito. Nakatingin lang si Primrose sa kapatid. Saka napatingin sa mga taong nandoon. Kinakabahan siya. That design is not supposed to see the light of day. It her personal design for Ryner. “Let’s start with 500.” Wika ni Pearl. “500?” Gimbal na wika ni Primrose. She made that necklace with high-grade black diamond. And the value is only 500. Nagpapatawa ba ang kapatid niya? Malakad na tawanan naman ang narinig ni Primrose sa loob nang ball room. “Bakit kailangan niyong e-auction ang ganyan ka babang halaga nang jewelry. This is very low even for Prism and Pearl.” Wika nang isang bisita doon. Napakagat nang labi naman ang dalaga dahil sa labis na hiya. Malakas ang kabog nang dibdib ni Primrose. Walang nagsimulang magbigay nang bid after nang initial offer ni Pearl. 500 does not even cover the diamond surrounding the pendant. Alam ni Primrose na gustong ipakita ni Pearl sa kanya kung sino ang boss sa kanilang dalawa. “500.000!” wika nang nang isang baritong boses na bumasak sa katahimikan nang paligid. Lahat napatingin sa may pinto nang marinig ang boses nand bidder.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD