Cecily “ANONG SINABI mo? You want to get your skin ink?” Alam ko na ikinagulat ni Dmitry iyon. Gusto ko ring magpa-tattoo. Hindi naman kalakihan. Iniisip ko kung sa likod ba o sa underboob ko. Tumango ako sa kanya. “Hindi ba nabanggit mo that you’re getting a new tattoo? Gusto ko rin. Sabay tayo.” Kumunot ang noo ni Dmitry. Hindi ko alam kung ayaw niya ba sa ideya na iyon. “Not sure if it’s a good idea,” sagot niya sa akin. “Why? Hindi ba maganda? I mean, ayaw mo na may tattoo ako?” Pareho kaming nasa bahay ngayon. Wala akong pasok sa school at wala rin siyang pasok sa opisina. Kahit na ang daming nangyayari ngayon sa buhay ko, wala naman akong balak na pabayaan ang pag-aaral ko. And once nakatapos na ako ng pag-aaral, magiging successful ako sa field na napili ko. “Hindi naman s

