Cecily HINDI KO alam kung anong mararamdaman ko habang nakikinig sa mga sinasabi sa akin ni Valentina. Blangko at malamig pa rin ang ekspresyon ng mga mata niya. “I know every step of her plan as I was…her accomplice. Alam ko simula sa pagkamatay ni Carlina at sa lahat ng nangyari sa buhay mo. There’s only one person behind all your misery.” Huminga nang malalim si Valentina. “Sino?!” Hindi ko napansin na tumataas na ang boses ko. Ipinikit niya ang kanyang mga mata at nang imulat ay muling tumingin nang diretso sa akin. “It was…Inessa.” Nanginig ang labi ko. Kung akala ko ay ang pagkamatay lang ni Mama ang ginawa niya sa akin, doon pala ako nagkakamali. Mabigat akong nagpakawala ng paghinga nang marinig ko ang pangalan ni Inessa. Napakapit ako sa aking dibdib, and Valentina was kin

