Cecily AYAW AKONG papasukin ng guard. Pinagbabawal daw ako sa loob ng mansyon ng mga Petrov. But right now, I don’t care. “Do everything you can so we can enter.” Iyon lamang ang sinabi ko. Kahit anong mangyari ay kailangan kong makaharap ngayon si Inessa. Naniniwala ako kay Valentina dahil wala siyang rason para magsinungaling sa akin, pero gusto ko pa ring marinig na manggaling iyon kay Inessa mismo. The men I brought did everything so we could enter the gate. Sapilitan nilang pinabuksan ang gate, and right now, I don’t care if they use violence. “We’re good to go, Miss.” I am still looking straight. Wala akong ibang makita kung hindi ang pagdidilim ng aking paningin. Pumasok ang kotse sa loob ng gate at nang tumigil ito sa harapan ng malaking bahay ay agad na lumabas si Daniil

