Cecily ILANG HEARINGS din ang dinaluhan ko. Hindi naging mabilis ang proseso dahil pinaglalaban talaga ni Inessa na hindi niya ginawa ang krimen. Still, malakas ang laban namin. It’s promulgation day, at ngayon namin malalaman ang hatol ng hukuman kay Inessa. Maraming sinabi ang nagbabasa ng desisyon ng presiding judge hanggang sa… “Wherefore, judgment is hereby rendered finding the accused, Inessa Petrov, guilty beyond reasonable doubt of the crime of murder.” Sinabi rin niya kung saang batas at ano ang kaparusahan ng nagawang krimen. Halos mapaupo ako sa narinig. Tinakpan ko ang mukha ko gamit ang kamay at umiyak doon. I get the justice I want for my parents. Nagawa kong pagbayarin ang nagkasala sa amin at ang kumuha sa anak ko. The prosecutor congratulated me at niyakap ko si Dmit

