Dmitry PAGDATING KO sa Puerto Rivas, ang inaasahan ko ay magagawa kong masurpresa si Cecily sa pagdating ko. Hindi ko akalain na ako masusurpresa sa bubungad sa akin. “Umalis po si Miss Cecily kanina kasama sina Yuri. Mukhang pupuntahan nila kung sinong iniisip nilang dumukot kay Damien,” sabi ng isang tauhan ko na siyang nag-report sa akin sa nangyari. Nakatanggap nga ako ng mensahe kanina mula kay Cecily na nakatakas daw ng mental facility si Inessa. Kung totoong nadukot ang anak ko, bakit walang footage na nahagip? Ang mga security cameras— Nakarinig kami ng putukan ng baril. Agad kong kinuha ang baril ko at sumandal sa pader. Nakipagbarilan ang aking mga tauhan at nang may mamataan ako ay binaril ko rin ito. “All clear!” sigaw ng tauhan ko. May isang lalaki na nabuhay pa dahil

