Cecily HINDI KO makakalimutan kung anong nangyari kanina habang may encounter kami sa mga tauhan ni Inessa. I underestimated her. Akala ko kapag natakot ko ang mga tauhan nila ay wala nang kakampi sa kanila, pero may mga loyal followers din naman pala ang mag-ama. Nakita ko si Inessa na tumatakas kaya’t habang abala sina Yuri ay sinundan ko ito. Hindi pa ako magaling humawak ng baril pero dinala ko pa rin ang baril na nakita ko kanina at sinundan si Inessa. “You’re not going anywhere, Inessa.” Napatigil lamang si Inessa sa pagtakbo nang dulo ng bangin na ang kinaroroonan niya. Dahan-dahang tumingin si Inessa sa akin. Hindi ko siya makitaan ng kahit anong pagsisi o takot. She’s a sociopath. “Where’s Damon?” Kanina pa namin hinahanap si Damon at wala siya rito. Kinabahan na ako sa ku

