Cecily “SAAN tayo pupunta?” tanong ko kay Dmitry. Kaninang umaga ay sinabi niya na aalis kami. May check-up ako sa OB ko pero mukhang hindi lang doon ang punta namin ni Dmitry. Tiningnan niya lang ako pero hindi siya nagsalita. Ngayon nga ay nag-aayos na kami at palabas na ng bahay. “Why can’t I come?” tanong ni Damon sa amin. Tiningnan namin ang anak at si Polina na ang nag-aalaga rito. Masakit pa rin sa amin ang pagkawala ni Nadia. Alam ko na lalo na para kay Dmitry at Damon, but they are coping up pretty well o magagaling lang silang magtago. Tiningnan ko si Damon. Nakangiti naman siya sa akin pero iba ang nararamdaman ko. Matapos kasi ang nangyari kay Nadia, we went to see a shrink for Damon. Just to make sure he will not have any trauma for whatever he witnessed. The shrink to

