Dmitry WHEN I woke up, Cecily was still sleeping. Hinaplos ko ang pisngi niya, and I softly kissed her lips before leaving the bed. Semestral break ni Cecily, napag-usapan namin na hindi muna siya mag-e-enroll next semester dahil sa pagbubuntis niya. Ayoko rin na baka ma-stress siya sa school. Pagkatapos niyang manganak, baka roon na siya magtuloy sa pag-aaral. Matalino si Cecily, and even without a degree, I’m sure she can get a job. Pero alam ko rin na gusto niya na may diploma siya. I will support her. Naririnig ko na may maingay sa kusina. I was about to prepare some breakfast, too, since gusto ni Cecily na ako ang nagluluto ng kinakain niya. Mukhang nagsisimula na siyang maglihi. “You’re putting too much sugar, Damon.” Narinig ko ang boses ni Polina. Napatigil ako sa entrada ng k

