Yey! Updated. Chapter 35 MAY MGA pagkakataon talaga na ang mga pinagkatiwalan mong tao ang mismong ta-traydor sa'yo. Pagsisisihan mo man o hindi, kadalasan may ganyan talagang mga tao. Paano pa't may kontrabida sa buhay mo? Kung hindi ikaw ang bida sa sa sarili mong pelikula. Pinagmasdan ko siya ng maigi at naghihintay na idudugtong niya ang salitang joke. Pero wala, ni utot niya hindi nagparamdam man lang. Humalakhak ako sa pinagsasabi niya. Kapatid? As in sister? Baliw ba siya? Ni hindi nga niya nabanggit sa akin na may kapatid siya. "Nagj-joke ka ba?" Tanong ko sa pagitan ng pagtawa ko. Hindi ito sumagot at nakatitig lang ito ng mariin sa akin na walang kahit na anong bahid na emosyon sa mukha nito dahilan para matigil ako sa pagtawa ko. Pinantayan ko ang pagtitig sa akin. Ni

