Chapter 36 NAKAYAKAP parin ako kay hilaw habang nakapikit ang mga mata. Pilit na inaalala kung saan ko ba narinig ang boses ng batang iyon. Nabalik ako sa sarili ko ng mapagtanto kong nakayakap ako sa kanya. Mabilis akong lumayo sa kanya at napatuwid ng tayo. Tangana! Para akong tanga nito! Bakit nga ako nakayakap sa kaya? Napaka-awkward nito. Tumikhim ako. "uuhmm.. " tinignan ko siya ng may pagkailang. Pero napakunot-noo ako ng makita ang kaliwang braso nito. Marahas kong inabot ang coat nito at hinubad. Napasinghap na lang ako nang makitang napakaraming dugo ang kumalat sa kaliwang braso nito pababa. "What the?!" Bulong ko na maririnig din nya. Hahawakan ko na sana ang braso niya nang pigilan niyang akong mahawakan ang braso niya dahilan para masama ko siyang binalingan ng t

