I CHALLENGE YOU
“Isabella Del Rosario! Ang future doctor ng pamilya Del Rosario!” Malakas na hiyaw ni Jenny, ang aking matalik na kaibigan habang nakataas ang kamay nito na may hawak na kopita ng alak.
“Cheers! Para sa tagumpay ng ating kaibigan!” malakas na hiyaw naman ni Enrica. Enrica sa gabi, Enrico sa umaga. Malakas na tawanan ang pinagsaluhan namin matapos naming ikampay ang aming mga kopita. Kasalukuyan kaming nandito ngayon sa isang kilalang Bar dito sa Makati. We are celebrating because malapit na kaming matapos sa aming kurso. Ako lang ang naiiba sa aming tatlo. Ang dalawa ay kumuha ng kursong Business Administration, dahil mga tagapagmana ng mga kumpanya ang mga ito. Samantalang ako, ayaw pangasiwaan ang Negosyo ng aking pamilya. Para saan pa? May sarili naman akong isip at gagawin ko ang lahat ng aking nanaisin.
“Now that we are almost graduating, I think we all deserve to dance!” hiyaw ni Jenny na siyang sinang ayunan naman ni Enrica. Wala na akong nagawa pa ng hilahin ako ng mga ito sa kamay at dalhin sa pinakang gitna kung saan marami na ang nagsasayawan. Dala na rin ng kalasingan ay sinabayan ko ng nakakaakit na indak ang tugtugin. Iginiling giling ko ang aking baywang with matching twerk. Dahil kapag naging licensed doctor na ako ay hindi ko na magagawa pa ang bagay na ito.
“You go girl!” hiyaw ng ilang mga kababaihan sa paligid. Mas pinagbuti ko pa ang pag indak hanggang sa matapos ang musika. Malakas na palakpakan naman ang ipinagkaloob sa akin ng mga tao sa paligid. Manghang nakatingin sa akin ang aking mga kaibigan.
“Ikaw ha! Hindi naman kami ininform na balingkinitan pala ang katawan ng aming bestie” anas ni Enrica na siya namang sinang ayunan ni Jenny. Naglalakad na kami ngayon patungo sa aming table nang mapansin ko ang dalawang pares na mga matang nakatingin sa akin. He’s wearing a black tuxedo habang bahagyang nakabukas ang ilang botones ng kaning suot na shirt. Hindi ko alam kung lasing lang ba ako or hindi, dahil putek, sobrang gwapo naman yata nito sa aking paningin. Para bang isang anghel or isang modelo. Nakakaakit ang kanyang pigura.
“huy! Sinong tintignan mo diyan ha?” tudyo sa akin ni Enrica habang sinisiko ang aking braso.
“H-huh?” anas ko dito habang inaalis ang aking tingin sa lalaki.
“uiii, ang bestie naming mukhang na-love at first sight!” pang-aasar na anas ni Jenny habang iniinom ang natitirang laman ng kanyang kopita.
“nabaliw na kayong dalawa” kaila ko sa mga ito. Mabilis na sulyap pa ang ginawa ko sa lalaki only to find out na nakatingin pa rin siya sa akin. Mataman niya akong tinitignan. Hindi ko Mabasa ang nilalaman ng kanyang isipan. Pakiramdam ko’y namamawis ang aking noo dahil sa paraan ng titig niya.
“Okay! Ganito ha, let’s play a game!” pukaw sa akin ni Enrica. Mabilis naman akong napabaling dito habang nakatunghay naman sa mesa si Jenny. Pansin kong lasing na ang babaeng ito.
“Magbibigay ako ng One Hundred Thousand sa inyo kung… hahalikan ninyo ang lalaking ituturo ko” malanding anas ni Enrica na siyang nagpagising sa natutulog na diwa ni Jenny. Basta pera talaga mabilis pa sa alas kwatro itong si Jenny. Pero dahil Malaki ang perang offer ni Enrica at alam kong magagamit ko ito sa mga bata sa Charity ay game ako dito. Inisang lagok ko ang bote ng alak. Nakaramdam naman ako ng hilo. Pakiramdam ko ay umiikot na ang paligid.
“Mauna tayo kay Jenny! Pik Pak Boom, chikiri chikira chikirorora boom!” anas nito sabay turo sa isang lalaking Malaki ang tiyan at may makapal na bigote. Napatawa ako ng malakas ng makita kong busangot ang mukha ni Jenny.
“Ulitin mo! Ayoko niyan!” reklamo nito
“abah! Hindi pwede no, alalahanin mo one hundred thousands din ito” anas ni Enrica. Matinding irap at mabilis na umiling si Jenny. Hudyat na ayaw niya ng challenge. Kaya’t sa akin nabaling ang atensiyon ni Enrica. Kumuha pa ako ng isa pang bote ng alak at mabilis ko itong nilagok ng isahan.
“ikaw na lang Isa! Napaka arte nitong si Jenny. Oh heto ang sayo. Pik Pak Boom, Chikiri Chikira Chikirorora Boom!” nanlalabong napatingin ako sa lalaking itinuro nito. Bahagya ko pang kinusot ang aking mga mata ngunit nanlalabo talaga ang mga ito. Hay, bahala na nga si batman! Pasuray suray akong naglakad patungo sa katapat naming table. Wala na akong paki alam kung pangit man ito. Basta may 100 thousand ako mula dito. Ayos na yun.
Malakas na hiyawan naman ang namutawi sa paligid ng walang babala kong hinalikan sa labi ang lalaking hindi ko sigurado kung ito ba iyong itinuro ni Enrica. Hindi naman ako marunong humalik kaya dampi lamang ang aking iginawad sa mga labi nito. Ngunit mabilis ako nitong hinila kung kaya’t napaupo ako sa kandungan nito pasaklang sa kanya. Idiniin din nito ang kanyang katawan sa akin at mabilis na sinakop ang aking mga labi. Hindi ko masundan ang galaw ng mga labi nito dahil batid kong isa itong eksperto pagdating sa larangan ng halikan.
Samantala hindi ko maipaliawanag ang aking nararamdaman. Mabilis na linukob ng kaba ang aking dibdib. Ngunit pakiramdam ko ay nag iinit ang aking katawan. Hindi ko alam, bakit ko ito nararamdaman. Mas lalo pang sumidhi ang init na aking nararamdaman ng walang babala nitong pisilin ang aking pang-upo. Bahagya nitong kinagat ang aking ibabang labi kung kaya’t malaya nitong ginalugad ang loob niyon.
Mabilis ko namang nasundan ang galaw ng kanyang mga labi kaya’t nakipaglaban ako ng halikan dito. Ngunit…