
Baon sa utang at lumaki na walang Ina, naging Ina si Lucia sa lima niyang kapatid. Kung hindi dahil sa kanyang ama at sa kanya na nagtratrabaho buong araw ay baka namatay na sila sa gutom ngunit dahil sa pagod bigla na lang nawalan ng buhay ang kanyang Ama. Akala ni Lucia ay katapusan na ng buhay niya ng bigla na lang may lumapit sa kanyang isang gwapo na lalaki at nagpakilalang Tito niya. Sila daw ay titira na sa bahay niya, ngunit sa anong kapalit?
