Chapter 3

1953 Words
"Oh my God!!! Marcus Guererro finally accepted my friend request sa sss. After 4 months finally were friends!" Kilig na kilig na pagbabalita ni Veronica habang hawak ang kanyang cellphone sa harap ng mga kaibigan nya. Habang ang dalawang kaibigan nya ay bagsak balikat na nakatingin sa kani - kanilang cellphone, mukhang hindi pa sila inaaccept ni Marcus sa sss. Big deal ba talaga na maging friend sa sss ang isang Marcus Guererro? Hays. Nababaliw na sila! Maya maya ay tumunog ang notification ko sa sss. Pasekreto kong tinignan ang aking cellphone. Luma na kasi ito kaya nahihiya akong ipakita. Halos mahulog ang aking cellphone sa nakita ko sa sss account ko. 1 friend request from: MARCUS GUERERRO Napahawak ako sa aking bibig dahil baka hindi ko mapigilan ang mga tili ko. Si Marcus mismo ang nagrequest na maging friend ko sya sa sss? Samantalang si Veronica ay apat na buwan ang hinintay bago sya mapansin ni Marcus. Ahh! Marcus binuo mo na naman ang araw ko. Pinidot ko ang accept button at itinago na ang cellphone sa aking bag. Kinagat ko na lang ang aking labi upang hindi mahalata ang mga kilig ko. Halos dumagundong ang puso ko sa saya. Hinawakan ko din ang magkabila kong pisngi na pakiramdan ko ay kay pula pula na. Maya maya ay tumunog naman ang notification message. Pagtingin ko. Galing ang message kay Marcus. Sasabog na yata ang puso ko sa kaligayahan. Marcus: thanks sa pag-accept my Queen! Nagkunot ang noo ko. Ano daw? Queen? Sino yun? Me: anong Queen? Napanguso ako.. baka may ibang babae syang ka chat. Ilang saglit lang.. Marcus: Queen ang gusto kong tawag sayo eh! Walang basagan ng trip. Nang nabasa ko ang message na yun ni Marcus ay humalinghing ako sa kilig. Tinignan ko ang paligid.. wala naman nakakapansin sa akin dahil lahat ay may kanya kanyang pinagkakaabalahan. Me: parang tanga lang. Anu kaya yun? Pakiramdam ko ay abot tenga na ang ngiti ko dahil sa kilig. Marcus: oh gusto mo baby bra itawag ko sayo?? Hehe peace. Napanguso na naman ako. Kailan ba nya makakalimutan ang tagpong yun? Ayy.. inaasar na naman nya ako. Hindi ko na sya nireplayan. Wala naman ako maisip na tamang salita para tapatan ang pang-aasar nya. Marcus: galit ka? Sorry My Queen Maya maya lang ay dumating na ang aming guro kung kaya't hindi ko na talaga sya nareplayan pa. Tinago ko na ang cellphone ko. Sobrang terror pa naman ng teacher namin sa science. Lunch time na ng makita ko lahat ng message nya. Marcus: Sorry! Pssst! Galit ka pa rin? Pizza later? Bakit di ka nagrereply? Natawa ako sa pangungulit nya sa akin. Ganito ba talaga sya kakulit? Kaya mas lalong tumitindi ang paghanga ko sa kanya eh. Me: anu ka ba? May klase kaya ako kaya di ako nakapagreply agad. Hindi ko na naman mapigilan ang sarili kong ngumiti. Nababaliw na yata ako. Marcus: san ka ngayon? Kinabahan ako sa tanong nya. Bakit sya nagtatanong kung nasaan ako? Pupuntahan nya ba ako. Nakakahiya kasi. Kapag lunch time namin ay dito ako sa wooden bench sa likod ng gym nakatambay. Dito ko kinakain ang pabaon sa akin ni lola. Ayoko sa cafeteria para mas makatipid ako. At isa pa. Pasosyalan na naman ang mga estudyante doon ng kung ano ang meron sila. Kaya mas masaya na ako ditong nag-iisa. Hindi masyadong pinupuntahan ang lugar na ito dahil nga nasa likod ito ng gymnasium. Kaya masaya na ako dito. Marcus: hey. Puntahan kita. Nasa cafeteria ka? Halos mabilaukan ako sa message nya sa akin. Anu ba? Hindi ako makakakain nang mabuti kung pupuntahan nya ako dito. Me: wag na! Matatapos na din naman ako. Kita na lang tayo sa library mamaya. Reply ko sa kanya. Agad ko nang tinapos ang ang pagkain. Baka mahuli pa nya ako. Halos hindi ko malulon ang kinakain ko sa sobrang bilis kong kumain. Pakiramdam ko nga ay wala nang lasa ang pagkain dahil sa nararamdaman kong pagkaexcite. Niligpit ko na ang aking baunan at babalik na ako sa aming classroom para doon na lamang maghintay. Tinignan ko muli ang cellphone ko kung meron syang reply. Ngunit.. puro sad emoji na ang kanyang pinapadala sa akin. Napakagat labi na lang ako at tinago na ang aking cellphone. Nang humakbang ako.. Ahh! Pero hindi ko sya matiis! Nakokonsensya ako kung hindi ko papansinin ang mga mensahe nya. Ayokong maging malungkot sya dahil sa akin. Hindi sya naging masaya dahil hindi ko sya pinayagang makita ako. Napahilamos ako sa aking mukha at nireplayan ko sya. Me: dito ako sa likod ng gym. Kabado kong pinindot ang send button. Ahhh!. Makikita at makakasama ko na naman si Marcus? Hindi lang 100 hours.. nadadagdagan pa ito kada araw. Nadadagdagan ang pag-asa kong baka sakaling isang araw ay may tiyansa na maging tunay kaming magkaibigan. Maya maya lang ay nasilayan ko na si Marcus. Ang gwapo nya talaga kahit sa malayo pa lang.. sobra.. Nakangiti sya sa akin. Yung mga ngiting nagpapagaan ng araw ko.. May konting pawis na namuo sa kanyang sintido. Ang cute pa din nya kahit pawisan na sya. Napansin ko din ang dalawang cup ng lemon juice na hawak nya. Aba? Para sa akin na naman ba ang isa dun? Oh. Wag umasa. Baka masaktan. Pero ... inabot nya sa akin ang isang cup ng lemon juice. Para sa akin pala talaga ito?? Ahh. Marcus. Pano ko ba ititigil ang kabaliwan ko sayo kung ganyan ang ginagawa mo. "Try mo yan. Nakakarefresh. Mainit pa naman." Sabi nya sa akin na may ngiti sa mga labi. Sa sobrang kilig ko.. sinipsip ko agad ang straw.. para kasing sasabog na naman ang puso ko anumang oras. Sandali kaming nanahimik. Hindi ko alam kung paano mag-uumpisa. Wala akong ideya. May mumunting sulyap ako sa kanya. Seryoso lang din syang nakatingin sa hangin. Nagulat ako ng bigla syang tumingin sa aking gawi. Napakagat labi na naman ako dahil nahuli na naman nya ako. Nahuli nya akong nakatingin sa kanya.. "Ka- kapag nasa junior high ka na. Liligawan na kita ha! Huwag ka nang magpaligaw sa iba" sabi sa akin ni Marcus. Inilihis nya ang tingin nya sa akin. Para bang nahiya sa kanyang sinabi. Nakita kong uminom na lang sya ng lemon juice na hawak nya. Nung mga oras na narinig ko yun kay Marcus ay kakaibang ligaya ang naramdaman ko. Ang sarap sa pakiramdam. Hindi ko maipaliwanag. May kumukiliti sa aking tiyan.. ahhh. Liligawan daw nya ako? Totoo ba yun? Nakakainis naman, baka hindi ako makatulog mamayang gabi! Ano bang pwede kong isagot? Wala akong maisip. Gusto nya ba ako? Ganun ba yun? Kaya nya ako liligawan? Kaya nya ako pinapakilig kasi pareho kami ng nararamdaman? Nanatili akong tahimik dahil hindi ko alam ang magiging reaksyon ko. Ano ba ang dapat gawin? Kaya mas pinili kong manahimik na lang. Nakita kong tumayo sya sa harapan ko. Inabot nya sa akin ang kanyang nakabilog na kamay na tanging ang hinliliit lang ang nakalabas. "Promise ha? Akin ka na? Hihintayin kita!!! Sa ngayon.. friends muna tayo!" Sabi nya Hindi ko alam kung bakit sumunod ako sa kanya at pinulupot ko ang aking hinliliit sa kanyang hinliliit.. at pinagkrus namin ito. Tanda ng isang pangako na hindi dapat mapako. Isang pangako na sana ay matupad ko.. Mula noon ay tinuring namin ni Marcus ang isa't isa na matalik na kaibigan. Pero lihim lang ang lahat. Ayokong makita ng iba na napapalapit ako sa kanya. Panigurado kasi na magiging tampulan na naman ako ng tukso. Lalo na kapag nalaman ito nila Veronica ay tiyak na malalagot ako. Tuwing lunch time ay lihim kaming nagkikita sa aming lihim na tagpuan. Nagkukwentuhan. Nagtatawanan. Nagkakantahan. Madalas nyang bitbit ang kanyang gitara. Tumutugtog sya at pinapakinggan ko lamang sya. Gumaan na ang aking loob sa kanya. Hindi na ako nahihiya.. Naging totoo lang ako kapag kami ay magkasama. Pinagmamasdan ko lang sya habang tumutugtog sya ng gitara. Sabi nya ay kakantahan daw nya ako. Kaya nakangiti lang ako habang pinapanood ko sya. Mistula bang ang bagal ng ikot ng mundo sa pagpitik ng kanyang mga daliri sa kanyang gitara. Ang ganda ng musika na kanyang nililikha.. napakasarap sa tenga ng tunog ng gitara na kanyang tinutugtog. At nagsimula na syang umawit na para daw sa akin.. Lift your head.. Baby don't be scared Of the things that could go wrong Along the way.. You'll get by with a smile.. You can't win at everything but you can try.. Lalo akong humanga kay Marcus Guererro. Ang ganda ng boses nya. Napakagaling nyang maggitara. Gwapo. Mabait. Malambing. Ano pa nga ba ang hindi kamahal mahal sa kanya? Wala! Dahil lahat sa kanya ay mahal ko na. Habang naggigitara sya at kumakanta ay nakatingin sya sa akin. Para bang nangungusap ang mga mata nya na para sa akin lang ang kanyang kinakanta. Inaalay nya sa akin ang mgandang awiting iyon.. Girl I'll stay through the bad times. Even if I have to fetch you everyday.. We'll get by.. with a smile You can never be too happy in this life. Malagkit ang mga titig nya sa akin. Damang dama nya ang kanyang kinakanta.. at damang dama ko din ang pagmamahal nya. Kung kayat napasabay ako sa kanyang awitin. Pumikit ako at dinama ang bawat titik ng musikang ito. Sinabayan ko ang kanyang kanta.. Cause in a world where everybody Hates a happy ending story It's a wonder love can make the world go round.. But don't let it bring you down And turn your face into a frown You'll get a long with a little prayer and a song... Pagdilat ko ng aking mata ay nakangiti sya sa akin at namangha. Tila ba sya ang naging number 1 fan ko pagdating sa pagkanta. "Wow.. ang galing mo kumanta. Yan ang gusto ko! Yung masasabayan ang hilig ko.." sabi nya habang malagkit pa ding nakatitig sa akin. Nagpulahan na naman ang aking mga pisngi. Pakiramdam ko ay ako na ang pinakamaswerteng babae sa school namin. Dahil nabihag ko ang isang Marcus Guererro. Ayawan man ako ng lahat, pero hindi ang aking si Marcus dahil gusto nya na lagi kaming magkasama. Gusto nya akong maging kaibigan at ako ay kanyang pinahahalagahan. Maya maya lang ay may kinuha sya sa kanyang bag. Isang magandang box. Napahawak ako sa aking bibig. Hindi ako makapaniwala. Nagtatanong ako sa aking sarili kung sa akin na naman ba ito? Nakangiti sya at inabot sa akin ang magandang box. Napaawang ang aking labi.. kinuha ko ang box at dahan dahan ko itong binuksan... kinakabahan ako kung ano ang laman nito. Nakangiti ako ng walang humpay. Nang iangat ko ang takip ng box ay bumungad sa akin ang isang pirasong... itim na Bra?? Napanguso ako sa kanya at naningkit ang aking mga mata! Tumitig ako ng masama kay Marcus. Hindi nya talaga ako titigilan sa pang-aasar? Kitang kita ko ang pamumula ng mukha nya dahil sa sobrang tawa! Pinagtatawanan nya ang regalo nya sa akin. Pinagtatawanan nya ang naging reaksyon ko! "Marcus!!!" Galit na sigaw ko sa kanya. Tumakbo sya palayo sa akin at hinabol ko naman sya. Gusto ko syang mahuli para paghahampasin ang mga braso nya. Sumusobra na ang pang-aasar nya!!! Pero habang hinahabol ko sya ay para bang kay bagal ng oras. Wala akong ibang nakikita kundi ang tumatakbong si Marcus na pilit kong hinuhuli.. Parang sumasayaw ang buhok nya habang tumatakbo sa akin. Ang mga ngiti nya ay para bang isang walang katapusang kaligayahan. Hindi kumpleto ang kanyang araw kung hindi nya ako aasarin. Hinding hindi ko makakalimutan ang araw na naging tunay kaming mag-kaibigan ni Marcus. Sana ay hindi na matapos. Sana ay hindi kami magbago. Sana ay ganito lang kami habang patuloy ang ikot ng mundo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD