Linggo ngayon. Marami kaming gawain ni Lola. Pagkatapos naming maglinis ng mansyon ay mamalengke pa kami.
Pero habang gumagawa ako ng gawaing bahay ay panay ang hawak ko sa aking cellphone.
Kachat ko kasi si Marcus. Ang mga ngiti ko ay abot hanggang tenga pa din. Tinatago ko ang aking kilig kay Lola at baka masermunan na naman ako.
Ngunit imbes na si lola ang makahuli sa akin ay si Margareth ang kanina pa ako pinagmamasdan. Tila ba alam nya ang mga nangyayari sa amin ni Marcus.
Nakaarko ang mga kilay nyang lumapit sa akin! Napayuko lang ako habang isinilid ko sa aking bulsa ang aking cellphone.
"Ano? Kayo na ba ng kaklase kong si Marcus?" Mataray na sabi ni Margareth.
Kinabahan ako sa mga tanong nya. Ang bilis naman nya akong husgahan. Bakit ba ganun na lamang ang pakikitungo nya sa akin.
"Hindi!" Yan lang ang nasabi ko sa kanya. Napakagat ako sa aking labi.
Ngunit napangisi lang sya sa akin. Mapang-asar ang mga ngiti nya.
"Akala mo hindi ko alam ang nangyari sa inyo ni Marcus? Nahuli daw kayo sa isang kwarto na may ginagawang kalokohan! Pilit nilang itinatago ang eskandalo na yun pero unti unti nang kumakalat sa buong eskwelahan." Mataray pa ring sabi sa akin ni Margareth
Natakot ako sa mga ibinunyag ni Margareth. Unti unti na daw kumakalat? Ano na lang ang mga pangungutya na matatanggap ko sa mga maldita kong kaklase kapag nalaman nila ito? Isang kahihiyan ang nasadlakan namin ni Marcus. Isang pangyayari na hindi naman dapat ganun ang kinalabasan. Ang pangit lang ng imahe namin ni Marcus. Hindi dapat ito nangyari.
"Goodluck na lang sayo bukas!" Sabi nito na nakaismid pa rin ang mukha sa akin.
Bago pa man sya umalis ay may pinahabol pa syang salita.
"Oh wait. Sinumbong ko na nga rin pala kay Daddy ang kalandian mo!" Dagdag nya at tuluyan na syang tumalikod sa akin.
Mas lalong bumigat ang puso ko at kinabahan ako sa mga sinabi nyang alam na ni Senator Del Valle ang eskandalong napasok ko.
Natakot ako na baka bawiin nya ang binigay nya sa aking pagkakataon na makapag-aral sa magandang paaralan na iyon. Natatakot ako sa lahat ng sasabihin nya!
Maya maya lang ay nilapitan naman ako ni Caroline. Nasaksihan nya lahat ang ginawa ng ate nya sa akin.
Niyakap nya ako. Sya talaga ang kakampi ko sa tuwing aapihin ako ng kapatid nya.
"Wag mo na lang pansinin si ate. Ganyan naman talaga yan kahit sa akin." Sabi ni Caroline.
Buti pa ang bunsong anak nila Senator ay napakabait sa akin. Wala syang hinangad kundi ang mapabuti at maging masaya lang ako. Sana ay nagkaroon din ako ng kapatid katulad nya. Ang sarap sarap siguro sa pakiramdam kung naging kapatid ko talaga sya. Pero pwede naman. Kahit hindi kami magkadugo. Pwede ko syang ituring na tunay kong kapatid at ganun din naman sya sa akin.
Ilang saglit lang ay humahangos na tumakbo sa akin si Lola. Mamalengke na ba kami? Bakit sya nagmamadali.
"Apo!! Pinatatawag ka ni Senator Del Valle sa kanyang opisina ngayon na daw." Sabi ni lola na hinihingal pa.
Parang dumagundong ang puso ko sa sobrang takot. Ito na yata ang sinasabi ni Margareth! Alam na ni Senator ang lahat. Alam na nya ang kalandian ko daw na ginawa? Pero nagkakamali naman sila ng iniisip.
Sinamahan ako ni Lola sa kanyang opisina. Hanggang sa may pinto lang ang aking lola. Nanginginig ang aking buong katawan. Hindi ko pa nakikita kung paano magalit si Senator. Malamang ay ngayon ko na ito masasaksihan. Kung ano man ang parusang ipapataw nya sa akin ay akin na lamang tatanggapin.
Marahan akong kumatok sa kanyang opisina. At maya maya ay binuksan ko na ang pinto.
Bumungad sa akin ang madilim na mukha ni Senator! Nakakatakot sya. Napansin ko din ang nakabukas na tatlong butones ng kanyang polo. Napalunok ako! Nakaramdam na naman ako ng takot sa kanya. Takot sa kanyang pagkatao. Kami lang ang nasa kanyang opisina? Baka may gawin sya? Wag naman sana!
"Maupo ka hija!" Sabi nito
Kabado akong umupo at hindi ko man lang sya dinapuan ng tingin dahil pakiramdam ko ay matutunaw ako sa mga titig nya.
"Ano itong nababalitaan kong nahuli ka daw sa kwarto kasama ang kaklase ni Margareth? Ano ang ginagawa nyo doon?" Malumanay pero Derechong tanong nya!
Nangangatal ang bibig ko. Mistula bang hindi ako makapagsalita. Kung sasabihin ko ang totoo ay maniniwala ba sya? Paniniwalaan ba nya ako? Kung si lola nga ay nagduda din sa akin. Sya pa kaya?
Pero susubukan ko.. susubukan kong ipagtanggol ang sarili ko.
"S-sir.. mali po ang iniisip ng lahat. Hindi po ganun ang nangyari. Kung ano man ang pinaratang nila sa akin ay hindi po yun totoo." Halos mangiyak ngiyak kong sabi sa kanya..
Nakita ko ang paggalaw ng kanyang mga panga. Alam kong galit sya. Alam ko na parang hindi sya naniniwala.
"Ano pala ang totoo?" Malakas na tanong ni Senator
Napayuko ako. Pinunasan ang mga luhang nagsimula nang tumakas sa aking mga mata.
"A-aksidente lang po ang lahat. Napagkatuwaan po ako ng mga kaklase ko na pumunta sa silid na iyon para daw po kunin ko ang libro ng guro namin. Pero pagbukas ko ng ilaw ay bagong pintura po pala ang pader, nahawakan ko po. Napuno po ng mga pintura ang kamay ko." Paliwanag ko sa kanya.
Napakunot ang noo ni Senator na parang iniisip pa ang mga nangyari sa akin. Hindi nya yata maintindihan.
"Nang aalis na po ako at pupunta na sana ako ng C.r ay bigla pong.." hindi ko maituloy ang sasabihin ko.
Nagsalubong ang dalawang kilay ni Senator Del Valle. Mistula bang nabitin sya sa aking mga kwento.
"Biglang ano..?" Galit na sabi nito.
Napapikit ako sa lakas ng boses nya. Alam ko sa puntong ito ay galit sya. Galit sya sa akin!
"Bigla pong.. natanggal ang strap ng bra ko. Hindi ko po alam ang gagawin kasi po hindi ko po maikabit at maiayos ang bra ko dahil nga po napuno ng pintura ang mga kamay ko!" Paliwanag ko pa at patuloy pa rin sa pag-iyak.
Napabuntong hininga sa harapan ko si Senator. Nakatitig lamang sya sa akin habang patuloy akong pinakikinggan. Malagkit ang mga titig nya. Nakita kong binasa ng kanyang dila ang ilalim na parte ng kanyang labi. Nakaramdam na naman ako ng pagka-asiwa sa mga pinakita nyang iyon.
"Nakita po ako ni Marcus. Tinulungan nya po ako. Inalok nya ako na sya na lang ang magkakabit para sa akin. Yun po ang nangyari. Yun po ang totoo." Umiiyak na ako sa kanyang harapan habang tinapos ko na ang pagpapaliwanag ko ng totoong mga nangyari sa amin ni Marcus.
Habang ako ay patuloy na umiiyak ay napansin kong tumayo si Senator. Marahan syang naglakad papunta sa aking likuran.
Para akong binuhusan ng malamig na tubig. Naestatwa ako. Nasa aking likuran si Senator Del Valle. Naramdaman ko pa ang pagbaba ng kanyang mukha malapit sa aking tenga. Ramdam na ramdam ko ang mainit na hininga nya sa aking tenga. Nandidiri ako sa pakiramdam na ito.
Lalo na ng hawakan nya ang magkabila kong mga balikat! Mainit ang palad nya. Gusto kong masuka sa pagpisil na ginawa nya sa aking balikat. Gusto kong sumigaw pero walang boses na lumalabas. Gusto kong tumakas pero hindi ako makagalaw!
"Sige.. naniniwala ako sayo! Gusto ko lang nagyon ay sundin mo ang lahat ng bilin ko." Bulong nya sa akin.
Sa puntong ito ay binalot na ng takot ang puso ko. Wala na akong kawala kay Senator. Bihag na nya ako. Sya ang gumastos ng pag-aaral ko kung kaya't kung ano man ang gusto nyang gawin sa akin ay maaari nyang gawin. Hindi ako pwedeng magreklamo. Hindi ako pwedeng humindi.
"Sa ngayon. Gusto kong mag-aral ka munang mabuti. Kapag nagdalaga ka na, may ibibilin ako sayo na kailangan mong sundin! Hindi mo pwedeng tanggihan." Mapang akit na bulong nya. Habang dumiin pa lalo ang mga pisil nya sa aking balikat na bumaba sa aking mga braso.
Nakakakilabot. Nakakadiri sya! Pero wala akong magawa dahil masyado pa akong bata. Wala akong laban!
Maya maya pa ay umalis na sya sa aking likuran. Inalis na nya ang nakakadiri nyang hawak sa akin. Sa puntong iyon ay lumuwag ang aking dibdib. Mas kampante ako kapag malayo sya sa akin. Pakiramdam ko ay ligtas ako kapag hindi ko sya nasisilayan.
Namataan ko na lamang na may kinuha sya sa kanyang wallet.
Nakita ko na lamang na inaabutan nya ako ng isang libong piso. Pero para saan ito? Bakit nya ako binabayaran.
"Kunin mo na! Sayo ito. Baon mo yan bukas.!" Sabi nya
Napaawang ako sa sinabi nya. Ang laki naman ng perang binibigay nya sa akin. Araw araw ay isang libong piso ang baon ko? Sobra sobra na yun. Pang isang buwang baon ko na yun. Pero bakit? Ano ang kailangan nya sa akin??
"Araw araw bago ka pumasok ay kukunin mo ito sa akin dito sa aking opisina." Sabi pa nya na may nakakalokong mga ngiti.
"Pero kapalit ng isang libong piso ay hahalikan kita sa pisngi. Ganun lang!" Sabi nya na parang wala lang sa kanya ang lahat ng kanyang sinabi. Parang hindi man lang sya kinilabutan sa pinapagawa nya sa akin.
Napakagat labi ako. Kapalit ng perang ito ay mahahalikan nya ako sa aking pisngi? Talagang napakamaniac ni Senator. At ngayon ay hindi ko akalain na magagawa nya ito sa isang batang kagaya ko?
"Hindi ka pwedeng tumanggi sa akin Monica. So ano. Sige na kunin mo na ito." Sabi pa nya sa akin sabay abot ng pera. Mapangahas na ang kanyang mga ngiti sa akin.
Wala naman akong laban. Ayoko nang makagawa pa ng gulo kaya lahat ng sasabihin ni Senator ay akin na lamang susundin kahit labag pa ito sa puso ko.
Dahan dahan ko nang inabot ang pera. Nang mahawakan ko ito ay unti unti syang lumapit sa akin.
Napapikit na lang ako at hinintay ko na lamang na malapatan ng kanyang labi ang aking pisngi.
Hinawi nya ang aking buhok at tuluyan nang hinalikan ang malambot kong pisngi.
Hindi pa sya nakuntento at niyakap pa nya ako ng mahigpit. Tila ba hindi na sya makapagpigil sa kanyang sarili. Nakakasuka. Nakakadiri! Yan ang paulit ulit kong mararamdaman sa kanya!
Napaurong na ako sa kanya.. hindi ko na kaya ang kalaswaang pinapakita nya sa akin!
"So-sorry po kailangan ko na pong umalis! Salamat po!" Sabi ko.
Tumakbo na ako palabas at iniwan ang manyakis na senador.
Ayoko na syang makita pa. Pero paano? Sya ang nagpapaaral sa akin. Sa kanya nagtatrabaho ang lola ko! Malaki ang utang na loob ko sa kanya.
Gusto ko mang takasan ang kalbaryong ito sa aking buhay ay hindi ko maaaring gawin dahil sya na ang may hawak sa akin!
Hindi ko maaaring sabihin kay lola ang lahat ng ginawa sa akin ni Senator. Baka hindi nya kayanin. Baka may masamang mangyari sa kanya.
Araw araw ay pupuntahan ko daw si Senator sa kanyang opisina para kuhain ang baon kong isang libong piso kapalit ng isang halik sa pisngi. Hindi ko naman kailangan ng pera.
Ngunit ito ang bilin nya. At gusto ni Senator na lahat ng bilin nya ay dapat kong sundin.
Mula ngayon ay ililihim ko lahat ng mga nangyayari sa amin ni Senator. Balang araw alam kong malalagpasan ko din ang pagsubok na ito.
Alam ko balang araw ay matatapos din ang kalbaryong ito sa aking buhay! Sana nga.. sana lang talaga ay may pag-asa pa akong takasan si Senator Del Valle.
Ngayon ay may itinatago akong lihim na hindi maaaring malaman ng iba. Isang lihim na maaaring makasira sa imahe ni Senator. Isang lihim na lubos na nagpapabigat ng aking damdamin.