Chapter 5

1868 Words
Pagpasok ko sa aming school kinaumagahan ay hindi ko inaasahan na ito na ang araw na unti unting magpapabago sa aking buhay. Isang kalbaryo na hinding hindi ko malilimutan. Habang naglalakad ako sa pasilyo patungo sa aming silid ay nakita kong nagbubulungan ang ibang estudyante nang ako ay dumaan. Iba ang tingin nila sa akin. Para bang pinandidirihan nila ako. Mistula bang kinasusuklaman nila ako. Pagpasok ko sa classroom. Ang maingay na klase ay nabalot ng katahimikan. Lahat sila ay pinagmasdan ako. Inuusisa ang pagkatao ko. Napayuko lang ako at dumerecho na sa aking upuan. Ang iba ay nagbubulungan na naman. Alam ko na ako ang kanilang pinag-uusapan. Pero bakit? Bakit ba nila ako pinag- uusapan? Nang pag-angat ko ng aking ulo.. ay nabasa ko ang malaking nakasulat sa aming blackboard. MONICA IS A b***h! MONICA IS A SLUT! MALANDING BABAE NA GUSTONG SUMIKAT! Dali dali akong pumunta sa harapan para burahin ang nakasulat sa blackboard. Alam na nila? Alam na nila ang eskandalong kinaharap ko kay Marcus. Pero mali naman lahat ng iyon. Mali lahat ang iniisip nila. Tanging pag-iyak lang ang tangi kong nagawa habang pilit na binubura ang masasamang nakasulat sa blackboard tungkol sa akin. Kailan ba nila ako titigilan? Ang sakit sakit na ng mga ginagawa nila sa akin! Mahina ako. At hindi ko kayang ipagtanggol ang sarili ko. Kaya umaasa na lang ako isang araw na itigil na nila ang pang-aapi sa akin. Sana ay magsawa rin sila sa pangungutya sa aking pagkatao. Napagod ang mga kamay ko kakabura ng sulat na iyon. Nasa harapan nila ako at isa isa ko silang tinignan. Pero tahimik pa rin silang nakatitig sa akin! Samantalang ang tatlong maldita kong kaklase ay lahat nakaarko ang mga kilay sa akin. Kinamumuhian nila ako dahil nadawit ang pangalan ng kanilang idolong si Marcus Guererro sa aking pangalan. Pero tanging tingin lang naman ang kaya kong gawin. Hindi ko kayang ipaglaban ang sarili ko. Hindi ko sila kayang pagsabihan! Hindi ko sila kayang pagsalitaan ng masama! Nakayuko lang ako at tahimik na bumalik sa aking silya. Ngayon ay mas lalong walang gustong makipagkaibigan sa akin. Mas sinira pa ng eskandalong iyon ang aking imahe. Ayoko ng magpaliwanag sa kanila dahil alam ko naman na hindi nila ako pakikinggan. Hindi nila ako paniniwalaan. Mas pakiramdam ko ngayon ay nag-iisa lang ako. Ni walang gustong kumausap man lang sa akin. Lahat ay iniiwasan ako. Hinintay ko na lang ang lunch time. Bagsak balikat akong pumunta sa aming lihim na tagpuan. Sa lugar na ito nakakaramdam ako ng kaligayahan. Alam ko may isa akong kaibigan na hinding hindi ako tatalikuran. Maya maya lang ay nasilayan ko na syang papalapit sa akin. Madami na namang bitbit na kung anu para sa akin. "Hello. My Queen! Grabe. Namiss kita. Isang araw tayong hindi nagkita!" Bungad nya sa akin. Hindi ko alam. Pero sa puntong ito ay bigla na lamang akong lumuha. Nabigla ako sa sarili ko kung kaya't napayakap ako sa kanya. Mahigpit. Pakiramdam ko ay sya lang ang nakakaintindi sa akin. Sya lang ang meron ako ngayon! Naramdaman ko ang pagbalik ng kanyang mga yakap. Mahigpit. Ramdam ko ang labis na pag- alala nya sa akin. Alam ko. Hindi nya ako iiwan. Naniniwala ako na nariyan lamang sya para pasayahin ako. Sana.. hindi magbago! "Huwag ka nang umiyak. Bakit ka ba umiiyak? May nang- away ba sayo? Sabihin mo sa akin" Tanong nya. Pero umiling lang ako sa kanya. Ayokong magsumbong. Ayokong maging pabigat sa damdamin nya. "Wala lang to.. na-namiss lang kita!" Sabi ko. Napahawak ako sa bibig ko. Hindi ko napigilan. Nakakahiya. Pero nakita ko ang pag-iba ng reaksyon ng mukha ni Marcus. Napakagat labi sya at maya maya ay unti unti kong nasilayan ang mga ngiti nya. Napahawak sya sa kanyang noo na para bang hindi makapaniwala sa mga nasabi ko na. "Wooh! Talaga! Namiss mo din ako?? Hindi mo alam kung gaano ko kasaya!" Sabi ni Marcus na walang paglagyan ang kaligayahan. Natawa lang ako sa kanyang reaksyon. Sobra sobra naman ang kaligayahan nya. Sobrang big deal na ba sa kanya na namiss ko din sya? Namiss ko lang naman ang kaibigan ko. Pinagsaluhan namin ang dala nyang burger, fries at softdrinks. Bukod sa binubusog nya ako sa mga dala nyang pagkain ay binubusog pa nya ako sa kanyang pag-aalaga. Bago kami bumalik sa aming mga klase ay ginawa namin ang aming friendship sign. Ang pagpulupot ng aming mga hinliliit at pinagkrus namin ito. Pangako. Walang iwanan!!! Ngayon ay panatag na ako. Kahit pa umayaw pa sa akin ang mundo, alam ko na may isang Marcus na hindi aayaw sa pagkatao ko. Matapos ang aming klase ay masaya akong dumerecho sa library. Makakasama ko na naman ang aking kaibigan. Sana ay ganito lang kami palagi. Masaya! Kuntento na kami basta magkasama. Minsan ay inaasar na naman nya ako. Hinatak nya ang clip sa nakaponytail kong buhok. Lumugay tuloy ang mahaba kong buhok at tila sumasayaw ng magbagsakan ito sa aking likuran.. Pakiramdam ko ay namangha sya ng makita na nagbagsakan ang tuwid at napakahaba kong buhok.. para bang huminto ang oras para sa kanya kung pagmasdan nya ako.. nakaawang ang kanyang bibig habang nakamasid sa nakalugay kong mga buhok.. Nainis ako sa kanya at pilit na inaabot ang aking clip. Pero nakatulala lang sya sa akin.. ano ba ang problema nya sa aking mga buhok? "Marcus! Akin na yan!" Sigaw ko sa kanya. Pero tinaas pa nya lalo ang kanyang mga kamay kung kaya lalo kong hindi naabot ang mga ito. "Marcus!!!" Sigaw ko. Napatingin na sa amin ang ibang estudyante pati na rin si Mrs. Jocson ang aming librarian. Bahagya itong nairita. Napakagat labi ako at nahiya sa kanila.. "Quiet!!" Sabi ni Mrs. Jocson. Napangiwi pa ako at nagsorry kay Mrs. Jocson. Naiinis akong tumitig kay Marcus para ibigay na nya ang aking clip. Para maponytail ko na ulit ang aking buhok. Ngunit binulungan nya ako imbes na ibigay ang aking clip. Ang pagdampi ng kanyang mainit na hininga sa aking tenga ang labis na nagbigay sa akin ng nakakakilig na damdamin. "Please.. ako na ang magponytail ng buhok mo. I want to experience how to put your hair in a ponytail.." bulong ni Marcus. Napangiti ako.. marahan kong tinapik ang braso nya. Kung anu anu talaga ang pumapasok sa isip nya. Lahat ginagawa nya para pakiligin ako. Marahan nya akong pinatalikod. Dahan dahan nyang sinuklay sa pamamagitan ng kanyang kamay ang aking mahabang buhok na umaabot sa aking beywang. Bawat hagod ng kanyang kamay ay nagdudulot sa aking tiyan ng mga kiliti. Hindi ko mapigilan ang mga ngiti ko habang patuloy nyang hinahagod ang aking mga buhok. Ang sarap sarap namang mag-alaga ng aking si Marcus. Sya pa mismo ang nag-aayos ng aking buhok? Sya mismo ang nagsusuklay ng mahaba at maganda kong mga buhok. Maya maya ay pinagbugkos nya ang aking buhok gamit ang isa nyang kamay at inipitan na ito ng clip. Sakto lang ang pagkakaayos nya. Tila ba sanay na sya sa pag-aayos ng buhok ng isang babae. Sabagay may mga kapatid pala syang babae na kambal. Marahil ay nag-ensayo na syang mabuti sa pag- aayos ng mga buhok nito. Natutuwa talaga ako na ginawa nya ito para sa akin. Ang cute lang nya. Ang cute lang malaman na si Marcus ang nagponytail ng aking buhok. "Kapag nagulo ulit yan, ako na ang mag-aayos ng buhok mo ha! Ako lang!" Sabi pa nito. Aba! Utos ba ito? Parang ang tapang ng pagkakasabi nya. Mistula bang ayaw nyang pahawakan ang buhok ko sa iba. Pero napapangiti nya ako talaga! "Ok po.. ikaw lang po ang pwedeng mag-ayos ng buhok ko.." bulong ko pa.. Nagkatitigan kami at pareho kaming natawa sa isat-isa... nakagawa ito ng ingay.. kung kaya.. "Shhhh!!" Sabi naming dalawa na nakalapat ang aming hintuturo sa aming bibig. Simbolo na hindi dapat kami mag-ingay. Pero hindi talaga mapigilan ang tawa sa tuwing magkakatinginan kami. Ang saya lang ng tagpong iyon. Wala nang papantay pa sa kaligayahan kapag magkasama kami. Pagkatapos ng mga trabaho namin sa library ay agad naman nya akong niyaya na kumain ng masarap na pizza.. Masaya kaming nag-uusap habang palabas kami ng campus. Wala na akong pakialam sa mga nakakakita sa amin. Magkaibigan kami ni Marcus at wala na akong dapat ikahiya! Ngunit paglabas namin ay bumungad sa amin ang magarang sasakyan ni... Senator Del Valle? Namilog ang mga mata ko ng makita kong nakadungaw sa bintana ang Senador. Masama at madilim ang titig nya sa amin. "Sumakay ka na dito Monica. Sumabay ka na sa akin!" Sabi ni Senator Napatingin ako kay Marcus. Nalungkot ako dahil mauudlot ang pagkain namin ng pizza. Mauudlot na makasama ko sya. Nakakainis naman! Nakakainis naman talaga itong si Senator Del Valle. "Sige My Queen.. bukas na lang kung pwede pa.." malungkot na bulong ni Marcus sa akin. Bakas sa aming mga mata ang labis na lungkot. Sumakay na ako ng kotse ni Senator at nagpaalam na sa aking kaibigan... Sa loob ng kotse ay tahimik lang akong nakamasid sa labas. Hindi ko tinitignan si Senator. Namuo na naman yung pakiramdam ko, na anumang oras ay baka may gawin sya sa akin. Ganun lagi ang nararamdaman ko sa kanya sa tuwing mapapalapit sya sa akin. Kinikilabutan ako. "Lagi na rin kitang ipasusundo kay Mang Willie ha. Ayoko na ginagabi ka kasama ang lalaki na iyon. Hindi magandang tignan!" Madiin at galit na sabi nito sa akin. Ipapasundo na nya ako kay Mang Willie? Para makasiguro sya na makakauwe agad ako ng bahay. Ngayon pa lang ay sinisiguro na nyang walang makalalapit sa akin. Baka hinihintay nya ang pagkakataon na pwede na nya akong angkinin??? Natatakot ako sa pinapakita nyang paghihigpit sa akin. Ngayon pa lang ay damang dama ko na, na sya ang may hawak sa buhay ko. Marahan nyang ipinatong ang kanyang malapad na kamay sa aking mga hita! Nagsimula na naman magtayuan ang aking mga balahibo. Nagsimula na naman ang pandidiri ko sa kanya. Nangingilabot talaga ako. Lalo na at muli't muli nyang pinipisil ang aking mga hita. Wala akong magawa kundi ang hayaan na lang syang gawin iyon. Gusto ko nga sana ay mapansin ni Mang Willie ang ginawang pagpatong ng kamay ni Senator sa aking mga hita. Pero paano? Nakatuon si Mang Willie sa pagmamaneho ng sasakyan. At kung mahuli man nya ang kalaswaan ng Senador ay baka ipagkibit-balikat nya lamang ito. Baka hindi nya ito pagtuunan ng pansin dahil si Senator ang nagpapasweldo sa kanya. Malaking tao at makapangyarihan si Senator kaya kung sakali mang mahuli nya ito ay tikom lang ang kanyang bibig at hahayaan na lamang nyang gawin ang mga nais ng Senador. Wala na akong laban. Namanhid na ang buo kong katawan. Hindi na ako makagalaw. Hindi na ako makakilos. Hawak nya ako! Hindi nya ako pinapatakas dahil hawak nya ang buhay ko!! Gusto ko nang makauwe. Gusto ko nang makarating sa mansyon. Hindi na ako makahinga!! Ang sikip ng dibdib ko dahil sa sobrang takot ko sa kanya. Bakit ba sa akin nangyayari ang lahat ng ito? Hindi ko na yata kakayanin pa kung mas malala pa dito ang kanyang maaaring gawin sa akin... Sino ba ang makakatulong sa akin??? Gusto ko nang matapos ang paghihirap ko!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD