Chapter 6

2071 Words
Simula nga ng nakakakilabot na pangyayari sa loob ng kotse ni Senator ay hinahatid at sinusundo na ako ni Mang Willie, ang family driver ng pamilya Del Valle. Ibig sabihin ay nabawasan ang oras na magkasama kami ni Marcus. Nakakainis dahil nakaisip ng dahilan si Senator Del Valle na paghiwalayin kami ng aking kaibigan. Marahil ay naramdaman nya na isang mabigat na karibal si Marcus Guererro. Marahil ay nakaramdam sya, na baka hindi nya maisasakatuparan ang mga balak nya kung patuloy kaming nagkikita ni Marcus! Ang matandang maniac talaga na yun ay nakakainis. Isa syang malaking kontrabida sa buhay ko. Kahit sya ang nagpapa-aral sa akin ay naiinis ako sa pagkatao nya! Nagkaroon tuloy ako ng isang lihim na kailangan kong itago kahit pa sa kaibigan kong si Marcus. Hindi ko alam kung may lakas ako ng loob na ibunyag sa kanya ang aking lihim. Sana lang ay matakasan ko na si Senator. Sana ay matapos na talaga ang kalbaryong dulot nya sa aking buhay ko. Natapos na din ang 100 hours na community service namin. Mahigit dalawang buwan din kaming nagkasama ni Marcus. Pero nangako kami sa isat-isa na walang magbabago sa aming pagkakaibigan. Tuwing may oras kami ay nagkikita pa rin kami at walang humpay ang aming kwentuhan. Hindi pa rin sya nabigong pakiligin at paligayahin ako. Habang nakaupo kami sa wooden bench ay kinuha nya ang kanyang cellphone. Nagkunot ang aking noo dahil nakatutok sa akin ang camera ng cellphone nya. "Uyy. Ano yan? Huwag mo akong kunan ah." Nahihiyang sabi ko sa kanya sabay harang ko sa aking mukha gamit ang aking palad Napanguso si Marcus sa akin at pilit na tinatanggal ang aking kamay na nakaharang sa aking mukha. "Gusto kitang kunan eh. Para marami akong pictures mo! Para kapag namimiss kita titignan ko lang itong cellphone ko. Sige na please." Pagmamakaawa nya sa akin. Hindi na naman mapigilan ng puso ko ang tumalon sa saya sa mga sinasabi sa akin ni Marcus. Mistulang uminit ang pisngi ko sa mga sinabi nya. Hindi ko naman sya matitiis. Lahat ng sasabihin nya ay susundin ko ng bukal sa puso ko.. Inalis ko na ang aking kamay at buong pusong ngumiti sa kanyang camera. Nakita ko ang pagkislap ng mga mata nya.. tila ba nagustuhan nya ang mga ngiti ko. Kaya dali dali nya akong kinunan. Ibat ibang anggulo. May ibat ibang posisyon na din akong nagawa para lang mapagbigyan ang kanyang gusto.. pakiramdam ko ay manghang mangha sya sa lahat ng pagkakakuha nya sa akin. Lumiliwanag kasi ang mukha nya sa tuwing titignan nya ang kanyang cellphone na may larawan ko. Ilang saglit lang ay nilapitan nya ako. Marahan nyang tinanggal ang clip ng aking buhok. Mukhang nagustuhan nya ang aking awra kapag nakalugay ang bagsak at tuwid kong mga buhok. Inipit pa nya ang ilang hibla ng aking buhok sa pagitan ng aking tenga. Inangat nya ang aking mukha, inayos nya ang kanyang camera at pinindot ang capture button.. sa anggulong iyon ay nakita ang aking inosenteng mukha.. Mistulang stolen shot lang dahil para bang wala ako sa sarili ng kuhaan nya ang anggulo na iyon. Sa totoo lang, nang hawakan pa lang nya ang aking buhok ay doon tumigil ang oras ko. Ang sarap sa pakiramdam na parang baliw sa pagkuha ng aking litrato si Marcus. Ang sarap lang sa pakiramdam na natutuwa syang kuhaan ako sa ibat ibang anggulo. Pero narinig kong napaWow sya. Sya lang ang nakakaappreciate ng aking pagkatao. Sya lang! Wala ng iba! "Uyy. Ang dami na ha. Tama na yun!" Sabi ko sa kanya. Pero isang mapang-asar na ngiti lang ang itinugon nya sa akin. Nasilayan ko ang gwapo nyang mukha! Yung mukha na hinahangaan ng lahat. Hayyy! Marcus. Ano ba ang ginawa mo sa buhay ko? "Hindi pa tapos ah. Magpipicture pa tayo ng magkasama!" Sabi pa ni Marcus sabay kindat sa akin. Napaawang ang labi ko ng marinig iyon sa kanya. Totoo ba? Magpipicture kaming dalawa? Makakasama ko sya sa picture? Ako at sya?? Sa iisang litrato? Parang hindi ko na mapigilan ang sarili ko. Gustong magwala ng puso kong nalulunod na sa kaligayahan. Para na namang may mga kulisap na nagsisipagsayaw sa aking tiyan ng malaman ko na gusto nyang magpapicture kasama ako. Parang sobrang big deal na naman nito sa kanya na magkaroon sya ng picture naming dalawa. Mistula na namang tumigil ang mundo ng ilagay nya ang kanyang mga braso sa aking balikat. Sinulyapan ko pa ang kanyang braso na nakapatong sa aking balikat kung kayat hindi ko na naman napigilan ang mga ngiti ko. Lalo pa nyang kinabig ang aking ulo malapit sa kanyang ulo kung kaya't nagkadikit na ang aming mga pisngi. Mainit at malambot ang kanyang mga pisngi. Para bang ayaw ko nang mahiwalay pa sa mga pisngi na iyon.. sobrang lumulutang na ang puso ko.. Walang pagsidlan ang aming mga ngiti habang sige lang sya sa pagpindot ng capture button. Nakuhaan lahat ng damdamin na mayroon kami nung mga oras na iyon. Nakuhaan lahat ng masasayang ngiti na inilabas namin para sa isat isa. Nakuhaan ang tunay na pagmamahal na aming nadarama. Maya maya ay inilapit nya ang kanyang labi sa aking pisngi. Hinalikan nya ako?? Hinalikan ako ni Marcus! Ahh! Grabe talaga magpakilig sa akin si Marcus. At pinindot nya ang capture button... kuhang kuha ang paglalambing sa akin ni Marcus. Kitang kita ang maliligayang mga mata na nangungusap na sana ay hindi na matapos pa. "Ayan. Madami na akong pictures mo!" Masayang bulong nya sa akin. Masaya ko lang na pinagmamasdan si Marcus habang nakatitig sa mga pictures na nasa kanyang cellphone. Nakangiti sya. At alam ko kung gaano kaligaya ang puso nya ngayon. Kung alam nya lang na mas triple ang nadarama ko kapag kasama ko sya. Kung alam nya lang na hindi ako mapakali sa saya kapag sya ay kausap ko na! Pinakita pa nya sa akin ang iba pang pictures na may nakakatawang anggulo. At wala na namang humpay ang aming tawa, kaya ito ang naging dahilan ng aming halakhak na umaalingawngaw sa aming lihim na tagpuan. Hinding hindi ko ipagpapalit ang tagpong ito na lubos na nagpapaligaya sa puso ko. Sumapit ang foundation day ng school namin. Kapag ganitong pagdiriwang ay abala ang lahat sa paghahanda ng ibat-ibang programa. Lahat ng estudyante ay may kanya kanyang partisipasyon sa nasabing pagdiriwang. Masasabi din na ito ang pinakamasayang araw ng mga estudyante dahil walang regular na pasok. Manonood lang kami ng programa na inihanda din ng bawat estudyante. Kinakabahan ako dahil ako ang napili ni Bb. Barrientos na kumanta ng isang 90's hit song. Ang theme ng foundation day namin ngayon ay "Balik 90's". Ibig sabihin lahat ng gagawin namin ay may kinalaman dapat noong taong 90's. Sa unang pagkakataon ay haharap ako sa maraming tao para kumanta. Hindi ko pa ito nagagawa dahil wala akong lakas ng loob. Wala akong kumpiyansa sa aking sarili. Pero dahil naniniwala sa akin si Marcus ay gagawin ko. Para sa kanya at para sa aking sarili ay susubukan ko.. Habang nasa likod ako ng malaking kurtina ay kabang kaba ang puso ko. Madami ang manonood sa akin. Paano kung pumalpak ako? Paano na lang? Pero kailangan kong tibayan ang loob ko. Alam kong kaya ko! Nang alisin ang malaking tabing... Ay para akong nalula sa dami ng tao. Lahat sila ay tahimik. Walang pumapalakpak. Wala man lang sumuporta sa akin. Hindi naman kasi nila ako kilala. Marahil ang iba ay kilala ako bilang malanding batang babae na nais bihagin si Marcus. Nakita ko pa ang iba na nagtatawanan. Ang iba ay may thumbs down na pinapakita sa akin na ang ibig sabihin ay hindi nila gusto ang tulad ko. Pero ayos lang. Ayos lang sa akin ang lahat. Tatanggapin at lulunukin ko na lang lahat ng pangungutya nila sa akin. Ito lang naman ang kaya kong gawin. Nang magsimulang iplay ang musika nang napili kong kanta.. ay laking gulat ko nang hindi ito gumana ng maayos.. matagal akong nakatayo sa harapan ng stage.. pero wala pa din ang piyesang aking kakantahin. Baka sira yata ang usb na naibigay ko sa kanila. Napalunok ako dahil batid ko ang pagkairita ng mga estudyante. Mas gusto pa yata nilang umalis na lang ako sa kanilang harapan. Napahiya na naman ako sa kanila. Manhid na yata ang puso ko na lagi na lamang napapahiya! Lahat ay naiinis na at nagsisigawan na ng.. "Boo!!" "Bumaba ka na jan!" Sabi nila. Ang ibang mga guro ay pinagalitan ang mga nag-ingay na estudyante.. "We have a technical problem! Pasensya na sa abala!" Sabi ng isang Senior High Student na host ng event ngayon. Bagsak balikat akong tumalikod sa kanila. Gusto naman yata nila na umalis na ako sa kanilang harapan. Kaya ginawa ko na lang. Unti unti ko nang nilisan ang stage.. Nang biglang.. May humatak ng kamay ko at hinila akong pabalik sa stage.. Nang lingunin ko ang humatak ng aking kamay.. ay parang lumiwanag ang aking mukha. Biglang nagtalunan ang aking puso. Buong pusong nakangiti sa akin ang aking si Marcus! Pinakita nya ang hawak nyang gitara. Tila ba nagsasabing ituloy ko ang aking pagkanta. Tila ba kinukumbinse ako na huwag akong sumuko at mag-alala pa dahil nariyan na sya. Sa puntong ito ay mas ginanahan ako. Alam kong kasama ko si Marcus. Alam kong hindi nya ako pababayaan. Mistula bang nagulat ang mga estudyanteng mga babae sa ginawa ni Marcus. Namangha sila sa pag-aayos ng kanyang instrumento sa harapan ng stage. Lahat ng ginagawa nya ay para lang sa akin. Para hindi na ako mapahiya sa maraming estudyante at kumalma na ang aking damdamin. Pinagmamasdan nila si Marcus habang inaayos ang kanyang gitara. Itinapat nya ang dalawang mikropono sa gitara at nagsimula na syang tumugtog. Unang kalabit pa lang nya sa kanyang gitara ay naghiyawan na ang lahat ng estudyante. At alam kong mas lamang ang mga babaeng nagtitilian sa kanya. Nakakapagselos man ay hindi ko na lamang pinansin. Basta ang alam ko ay nariyan sa tabi ko si Marcus para sagipin ako. Damang dama ko ang aking pagkanta dahil alam kong nakikinig at nakatitig sa akin si Marcus. Mas ginagalingan ko dahil alam kong ang unang humahanga sa akin ay si Marcus. Magkamali man ako.. alam kong hinding hindi ako huhusgahan ng aking si Marcus. Ang aming kanta ay sinasabayan na ng mga estudyante. Nakikita kong aliw na aliw sila sa aming kinakanta. Kahit luma na ang kantang With a Smile ng eraserheads ay hindi kailanman binibigo ng kantang ito na pakiligin ang lahat ng nakikinig dito. Malamang ang iba ay kilig na kilig na din dahil ang naggigitara ay ang campus crush na si Marcus Guererro. Natapos ang aming pinakitang pagtatanghal, at alam kong lahat ay nasiyahan sa amin. Oh..baka kay Marcus nga lang. Ayos lang! Basta maayos naming nakanta ito ay masaya na ako. Pagkatapos nito ay malagkit na nakatitig sa akin si Marcus. Hindi namin alintana na lahat ng estudyante ay nakatingin sa amin. Nasa harapan pa rin kami ng stage. Tumigil ang aming mundo ng magkatitigan kami! Bumagal ang takbo ng oras ng lumapit sa akin si Marcus.. at mahigpit akong niyakap! Damang dama ko ang init at ang higpit ng kanyang pagkakayakap. Nagulat ako sa kanyang ginawa. Labis na kilig ang dinulot nito sa akin. Nagulat din ang mga estudyanteng humahanga sa kanya. Parang gumuho ang mundo nila ng masaksihan ang mahigpit na yakap sa akin ni Marcus. Wala na akong nagawa kundi ang tugunan ang yakap nya sa akin. Sa puntong ito, alam ko na sa sarili kong.. mahal ko na si Marcus. Kahit masyado pa akong bata. Alam ko ang nararamdaman kong ito. Mahal ko sya. Hinding hindi magbabago iyon. Kahit na apihin pa ako ng iba at sabihing malandi ako dahil napakabata ko pa para isipin ang mga ganitong bagay ay wala akong pakialam. Mahal ko si Marcus. Mahal na mahal... Baby you don't have to worry Cause there ain't no need to hurry No one ever said that's there an easy way When they're closing all their doors And they don't want you anymore This sounds funny but i'll say it anyway.. Ito ang kinakanta ni Marcus ng pabulong sa akin..habang yakap yakap nya ako. Nag-uumapaw na pagmamahal ang pinaparamdam nya sa akin. Sana ay hindi na matapos pa ang ganitong kasiyahan, pero sana rin ang tinatago kong lihim ay huwag na sana nyang matuklasan! I love you Marcus. Bulong ko sa isip ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD