Chapter 7

2134 Words
Pagkatapos ng aking pagkanta kasama si Marcus ay masaya na lang kaming nanonood ng iba pang programa. Magkatabi kaming nakaupo sa hilera ng mga junior high. Buti na lang at absent si Margareth. Hindi kasi sya mahilig sa mga ganitong programa. Malamang lagot na naman ako sa mapanuri nyang mga mata. Habang nanonood kami ay naramdaman ko ang pagpatong ng kanyang braso sa likuran ng aking inuupuan. Tila ba pinapadama nya na walang ibang pwedeng lumapit sa akin. Nangingiti ako sa mumunting sulyap nya sa akin. Pakiramdam ko ay hindi naman sa programa nakatuon ang aming atensyon. Pakiramdam ko ay nakatuon kami pareho sa isa't isa. Ni hindi ko na nga naiintindihan ang pinapanood namin. Panay kasi talon ng makulit kong puso. Nagkakangitian din kaming dalawa na kami lang ang nakakaintindi ng pinapahiwatig namin sa bawat isa. Ilang saglit lang ay kinalabit ako ng isang lalaki. Alam kong nasa junior high na din sya. Napakunot ang noo ko kung ano ang kailangan nya. Nakangiti kasi ito sa akin na para bang may gustong sabihin. "Crush ka daw ni Joel! Pwede ka daw ba nya i-add sa sss?" Sabi nito. Nagulat ako sa sinabi nya? Sinong Joel? Wala akong kilala sa mga junior high students kundi si Marcus lang. Paglingon ko sa gawi ni Marcus ay nakita ko ang matalim na titig nya sa lalaking estudyante! Ngayon ko lang sya nakitang nagagalit. Ngayon ko lang nasaksihan ang mga mata nyang nanlilisik! "Hey! Sabihin mo sa Joel na yan. Babasagin ko muna ang mukha nya, bago nya makuha ang sss account ng Queen ko huh!" Sabi ni Marcus sabay tulak sa lalaking estudyante. Natakot ako dahil muntikan pa nyang suntukin ang lalaki. Buti at nakailag ito. Buti na lang at mabilis kumilos ang lalaking estudyante kung kaya't hindi sya naabot ni Marcus. Napakamot ulo ang estudyante at halatang natakot sa inasal ni Marcus. Dali dali itong umalis na. Nagulat din ako sa pinapakita ni Marcus. Masama pa din ang titig nya sa estudyanteng lalaki. Tila ba minumukhaan nya ito. Bakit ba naging ganun si Marcus? Dahil lang may humahanga sa akin at kinukuha ang sss account ko ay magagalit na sya ng ganun? Hindi ko alam kung matutuwa ako. Nagiging basagulero si Marcus ng dahil sa akin? Natatakot tuloy ako. "Patingin nga ang cellphone mo?" Galit na sabi ni Marcus. Nagkunot ang noo ko at nagtataka ako sa mga kinikilos nya? "Bakit?" Ito lang ang natanong ko sa kanya Muli namang umaliwalas ang mukha ni Marcus sa akin pero hindi ko pa rin sya maintindihan. "Basta.. please. Give it to me. I will just check your cellphone. Yun lang!" Sabi nya. Napakagat labi ako at kinuha sa aking bag ang luma kong cellphone. Nahihiya pa ako dahil sa itsura ng aking cellphone. Walang wala ito sa magagandang cellphone ng mga kaklase ko. Nagulat pa sya sa kalumaan ng aking cellphone.. "Oh! Palitan na natin 'to. May naipon naman ako galing sa allowance ko. Bili tayo ng bago!" Sabay kindat na naman sa akin. Tila ba ang dali lang para sa kanya na bilhan ako ng bagong cellphone. Napanguso ako sa kanya! Hindi pwede! Hindi nya ako pwedeng bilhan ng bago. Magugulat si lola kung saan ko nakuha iyon. Mas lalong maghihinala sa akin si Lola na may namamagitan sa amin ni Marcus. "Hindi na. Wag na! Magtataka si lola kung saan ako nakakuha ng bagong cellphone." Sabi ko sa kanya. Mukha namang naintindihan nya ang sinabi ko kung kaya't di na sya nagpumilit pa! Inusisa nya ang laman ng aking cellphone. Pati ang sss account ko ay inusisa din nya. Tinignan nya ang mga messages doon. Nangiti sya ng makita nya na Sya ang nasa unang list ng aking messenger. Sya lang kasi ang madalas kong kachat! Nakangiti sya habang binabasa ang mga message namin sa isa't isa. Pero bigla na namang nag-iba ang ihip ng hangin ng makita nya ang mensahe galing kay Daniel. Ang bestfriend ko mula pa nung bata ako . "Sinong Daniel? Bakit ka nya minemessage??" Parang galit ang tono. Nagkunot na naman ang noo ko sa kanya. Pati ang bestfriend ko ay pinagseselosan ba nya? Nagseselos ba sya? "Bestfriend ko yan! Parang tayo. mag-Bestfriends!" Sabi ko sa kanya. Pero nakita ko ang paggalaw ng panga nya. Mistula bang hindi nya nagustuhan ang mga sinabi ko. Pero anu ba ang mali sa sinabi ko? Bestfriends naman talaga kami? Hindi ba ganun ang turing nya sa akin? Bestfriends kami ngayon.. at umaasa akong mas lalalim pa iyon pagdating ng tamang panahon. Napanguso sya sa akin sa galit. Alam ko nagtatampo sya sa mga sinabi ko. "Ok. Bestfriends lang pala ako sayo!" Nagtatampong sabi ni Marcus. Ibinalik nya sa akin ang cellphone. Hala! Grabe sya! Nagtampo talaga? Ano ba ang dapat? Hindi ko pa naman sya boyfriend. At kung alam nya lang na gusto ko talaga syang maging boyfriend... Pero masyado pa kaming mga bata. Hindi pa sa ngayon. Seryoso na lang syang bumalik sa panonood ng program. Pinagmamasdan ko lang si Marcus. Sobrang seryoso na sya. Ngayon ko lang nasaksihan ang ganitong ugali nya. Ano bang gagawin ko? Galit talaga sya! Ang bilis naman nyang magtampo. Nakayuko na lang ako at nalungkot sa pinapakita nya sa akin. Parang hindi ko kaya ang ganitong klaseng pakikitungo nya. Ang hirap pala kapag nagtatampo na sya. Hindi nya ako pinapansin na lalong nagpapabigat ng damdamin ko. Ngunit maya maya lang ay.. Bigla na lamang nya akong hinatak palabas ng conference hall kung saan kami nanonood ng programa. Nagulat ako dahil bigla ding sumunod ang katawan ko sa kanya.. nasaksihan ng ibang estudyante ang mistula naming pagtakas sa conference hall.. nakita nila ang magkahawak naming mga kamay habang tumatakas palayo sa lugar na iyon.. Tumakbo kami palabas ng hall at wala akong ideya kung saan nya ako dadalhin! Basta ang alam ko hawak ni Marcus ang mga kamay ko.. hindi na ba sya galit? Hindi na kaya sya nagtatampo? Mahigpit ang hawak nya sa akin. Yung tipong ayaw na nya akong pakawalan pa.. Nagulat ako ng lumabas kami ng school. Palinga linga sya at nag-aabang ng kung ano.. Nang may mapadaang taxi sa aming harapan ay pinara nya agad ito. Namilog ang mga mata ko. Saan nya ako dadalhin? Hindi na ako nakapagsalita pa dahil nakita ko na lamang ang sarili ko na sakay na rin ng taxi. Tinignan pa kami ng taxi driver at parang inuusisa. " kuya! Pakihatid kami sa Osteria European Restaurant." Sabi ni Marcus. Inabot agad ni Marcus ang five hundred pesos sa driver. Nagdadalawang isip kasi ito kanina kung ihahatid nya kami. Pero nung inabutan na sya ng pera ni Marcus ay agad na nyang pinaandar ang taxi. Napakagat labi ako dahil ipinatong na naman ni Marcus ang braso nya sa aking balikat. Pero sa puntong ito ay nakadungaw lang sya sa bintana. Kunwari ay hindi nya alam na inaakbayan na pala nya ako. Mga style talaga ni Marcus oh.. hindi nabigong pakiligin ako. Napabuntong hininga na lang ako. Tahimik lang kami sa byahe. Nararamdaman ko ang mumunting himas ni Marcus sa aking braso. Nakakakiliti. Nakakabaliw sa pakiramdam. Bakit kapag sya ang gumagawa nito sa akin ay parang may mga kulisap na lumilipad sa tiyan ko at hindi ko mapigilan ang pagtalon ng puso ko. Pero kapag si Senator ang gumagawa nito ay halos mangilabot ako sa kanya at isuka ko ang kalaswaan nyang ginagawa. Napangiwi ako! Ayoko syang maalala! Tuwing umaga ay kalbaryo ko na nga ang pagkuha ng baon ko sa kanya tapos ngayon ay sasagi pa sya sa aking isip? Ahh! Erase! Buburahin ko muna sya sa isip ko. Dinala ako ni Marcus sa isang mamahaling European restaurant. Ngayon pa lang naman ako nakapunta sa ganito kamahal na kainan. Nahihiya ako. Pero pagpasok namin ay tila ba kilala na sya ng mga staff ng restaurant na iyon. Marahil ay madalas sya talaga dito. Pag upo namin ay agad nyang kinuha ang menu at mistulang alam na alam na nya ang kanyang oorderin. "Anong gustong kainin ng Reyna ko?" Tanong nya na nakatuon pa din ang kanyang mga mata sa menu. Napakagat labi ako. Ayokong magturo ng pagkain. Bahala na sya. Ayos lang sa akin kahit ano. "Ikaw na lang. Kung ano ang gusto mo gusto ko na din." Sabi ko. Nakita kong lumiwanag ang mukha ni Marcus. May pilyong ngiti sa akin. "Talaga huh?" Mapang asar na tanong nito. Inilapit pa nya ang mukha nya sa aking mukha at napatitig sa akin. "Eh. Gusto kong maging tayo na! Gusto mo na din ba?" Mapang-asar ang mga titig nya. Napanguso ako sa kanya. Talagang walang tigil ang bibig ng Marcus ko. Gusto kong ipagsigawan na OO gustong gusto ko pero hindi pa sa ngayon. Kung alam nya lang. Pero ayokong husgagan na naman ako ng mga tao. Na kay bata ko pa ay lalaki na ang inaatupag ko. Tama na ang masamang imahe na lumabas sa amin ni Marcus. Ayoko nang dagdagan pa yun. Ibinaling ko na lang sa menu ang kanyang atensyon para makalimutan na nya ang kanyang nakakabaliw na tanong sa akin. "Ito oh. Mukhang masarap." Sabay turo ko sa picture na nasa menu. "Ah lobster thermidor! Favorite ko yan. Sabi ko na pareho tayo lagi ng gusto!" Sabi ni Marcus na nakangiti sa akin. Salamat naman at nakalimutan nya agad ang tanong nya sa akin kanina. Agad nang inorder si Marcus yung itinuro ko at may iba pa syang inorder para sa amin. Inilista lahat ng waiter ang order namin at agad nang umalis sa aming harapan. Naiwan kami ni Marcus sa magarang lamesa habang naghihintay. Maganda ang lugar na ito. Isang napakaespesyal na date ang magaganap kapag dito dinala ng isang lalaki ang kanyang nobya. Napakaromantic ng paligid. Ahh! Teka? Date na ba ito? Nag-init ang mga pisngi ko sa naisip ko. Hindi ko naisip na para kaming nagdi-date ni Marcus. Pakiramdam ko ay ang pula pula na ng mga pisngi ko.. Nang bigla syang nagsalita.. "Wala kasi tayong time lumabas after class. Lagi ka nang sinusundo ng driver nila Senator. Kaya naisip ko na may pagkakataon na tayo ngayon. Ayoko nang manood ng program na yun. Kaya dito na kita dinala. Mag aalas dose pa lang naman! Isang romantic lunch date ang mangyayari ngayon!" Sabi sa akin ni Marcus. Unti unti na namang lumalabas ang mga ngiti ko sa aking labi. Napakaromantic naman pala talaga ni Marcus. Hindi ko alam kung ano ang nakita nya sa akin. Bakit ba parang baliw na din sya sa akin. Kagaya ng kung anu ang nararamdaman ko sa kanya. Tama naman si Marcus. Wala na kaming time lumabas pagkatapos ng aming klase simula nung ipinasusundo at pinihahatid na ako ni Senator kay Mang Willie. Ito talaga ang unang romantic date namin ni Marcus... ganito pala kasaya ka-date ang kagaya nya. Talagang perfect guy sya para sa akin. I love you Marcus! Bulong ko habang nakatitig ako sa kanya. Nagulat na lang ako nang magsalita syang muli. "Ano? Bestfriend na lang ba talaga ako?" Seryosong tanong ni Marcus. Hindi na naman ako mapakali sa kilig. Ano ba Marcus? Bahala na kung anu ang lumabas sa bibig ko.. "Ahhmm. Di ba hindi pa naman pwede ngayon yung iniisip mo? Sa ngayon bestfriends muna tayo. Di ba ikaw na nga nagsabi sa akin noon na friends muna tayo. Tapos ang bestfriends ayaw mo?" Sabi ko sa kanya. Natawa si Marcus nang maalala nya ang sinabi nya sa akin. Masyado lang syang nabigla sa mga sinasabi nya. "Ayoko lang na kachat mo yung Daniel na yun ha! Andito na ako. Ako na ang bestfriend mo!" Utos na naman nya. Ang cute cute lang talaga ng Marcus ko kapag nagseselos. Huwag lang masyado dahil baka makapanakit na sya. Gaya ng nangyari kanina sa isang estudyante, nakakatakot ang eksena na iyon.. ayoko nang balikan yun. Ayoko nang mangyari ulit yun kay Marcus. Napansin ko na unti unti nyang nilalapit ang kamay nya sa aking mga daliri na nakapatong sa lamesa. Ngumiti sya sa akin ng mahuli nya ang aking daliri. Mas lalo syang gumagwapo sa mga ngiti nyang iyon. Hinawakan nya ang aking kamay at marahang pinisil... Nagkatitigan lang kami... parang ayaw ko nang matapos ang nakakakilig na eksena na ito. Ang sarap sa pakiramdam. Para akong nakatapak sa ulap sa sobrang saya ko.. "Monica???" Sigaw ng isang pamilyar na boses ng lalaki Nagitla ako at tinanggal ko agad ang pagkakahawak ni Marcus sa aking mga kamay... "Senator??" Takot na takot kong sabi Nahuli kami ni Senator?? Ano na lang ang gagawin ko sa puntong ito? Paano kung tuluyan nya kaming paghiwalayin ni Marcus? Paano?? Natatakot ako sa kanya! Paano kung isipin nyang isa talaga akong malanding bata? At pwedeng pwede na nyang gawin ang mga binabalak nya sa akin? Ano na lang ang mangyayari sa buhay ko sa kamay ng isang Senator Del Valle?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD