I was really nervous habang umaakyat kami ni Franchesca sa stage. Pero sa kaibuturan ng puso ko ay masaya ako. Masayang masaya ako sa lahat ng inilahad ni Senator Del Valle. Matagal ko nang pangarap na kilalanin ako bilang.. Anak ng isang Frederick Del Valle. Pagka-akyat ko pa lang ng stage ay agad akong niyakap ni Mrs. Del Valle. Napakabuti pa rin talaga nya. Hindi man lang sya nagkaroon ng galit sa akin. Para sa akin ay isa talaga syang mabuting tao. Hindi nya ako hinusgahan. Hindi man lang sya nagtago ng sama ng loob sa kanyang asawa sa kabila ng pagkakaroon nito ng anak na halos kaedad ko ang bunso nilang si Caroline. Si Caroline. Nakita ko ang magandang ngiti nya sa labi. Nasaksihan ko din ang pagluha nya ng makita nya ako. Niyakap nya ako ng mahigpit pati na ang pamangkin nya

