Monica Wala akong ibang narinig kay Marcus nang malaman nya ang tungkol kay Franchesca. Maybe this is the end of our love story.. Pumasok ako sa mansyon na puno ng luha ang mga mata.. "Why mommy? Cry ikaw?" Sabi ng anak ko. Pinunasan ko ang mga luha sa mata ko.. "Wala ito.. baby.. okay lang si mommy.." sabi ko.. Sinalubong kami ni Senator. Binigyan nya ako ng mahigpit na yakap at halik sa noo.. Sa dibdib ni Senator, ibinuhos ko ang sakit na nararamdaman ko. Tinapos na namin ni Marcus ang masalimuot na pag-iibigan naming dalawa. At sisimulan kong muli ang buhay ko kasama si Vincent. Pero paano si Senator Del Valle? Paano kong ipapaliwanag ang lahat? Masasaktan ko sya.. Ilang linggo ang lumipas ay hindi na ako ginulo pa ni Marcus. Ano pa nga ba ang inaasahan ko?? Naging masaya kami

