Oriana Fatima’s POV “I am Miracle Deena Benson, four years old, Ms. Philippines!” Sabay kaming pumapalakpak magkakapatid dahil sa tuwa sa anak ko. Pinapanood namin sa maliit na sala namin si Deena. Nakakatuwa dahil habang lumalaki ang anak ko mas marami siyang bagay na nalalaman para sa edad niya. Mas lalong dumadami ang mga pangarap niya na gusto niyang matupad at handa naman kaming tulungan siya para matupad ‘yon. Palagi lang kaming nandito at handang kayanin para sa kanya. Ipipilit basta para sa ikakasaya ni Deena. Ayokong maramdaman niya ang hirap ng buhay namin hangga’t maaari. Ayokong mag-isip si Deena na lumalaki siya na hindi katulad ng ibang bata na sagana sa mga magagandang gamit. Apat na taon na ang anak ko. Babae siya pero nakuha niya ang lahat sa Daddy niya. Para siyang

