Oriana Fatima’s POV “Ate, sigurado ka na ba talaga sa gagawin mo? Hindi na ba magbabago ang isip mo?” Nilingon ko ang bunsong kapatid ko mula sa pagkakatitig ko sa labas ng bahay namin. Ngumiti ako sa kanya at nilapitan siya na buhat-buhat ang isang taong gulang kong anak. Ang anak namin ni Damien na unti-unti nang lumalaki. Alam kong mas lalaki pa ang anak namin at maghahanap siya ng Daddy. Gusto ko na lumaki siyang may ama. Gusto kong maging maayos ang buhay niya at alam kong magiging maayos lang ‘yon kapag kasama niya ang ama niya. Kay Damien lang sigurado ang hinaharap ng anak namin. Gusto kong magpaka-pratikal. Walang kinabukasan sa akin si Miracle dahil wala akong trabaho pero kung nandoon siya sa ama niya, sigurado ako na magiging maayos siya. “Miracle…” My Miracle baby… Masy

