Oriana Fatima’s POV Mayaman ang asawa ko pero mas mayaman ang pamilya ng magiging asawa ng kapatid niyang si Drizella. Sakay kami ng kotse ni Damien habang tinatahak ang papunta sa bahay ng mga Aceves. Ngayon ang kasal at ngayon ko lang din makikilala ng personal ang kapatid niya. Hindi ganoon kalaki ang pamilya ni Damien dito sa Escajeda pero ang mapapangasawa ng kapatid niya ay may pamilyang malaki. Kilala ang kapatid niya sa bansa at pati na rin sa ilang mga bansa sa mundo. Ilang beses ko na rin nakita sa t.v si Drizella dahil dating Ms. Philippines si Drizella na bumitaw lang sa korona niya. Hindi rin ako kabado ngayong makikilala ko ang kapatid niya. Alam ko namang mabait si Drizella. Halata naman at alam kong totoo lahat ng pinapakita niyang pagtulong sa harap ng camera. Inalagaan

