Oriana Fatima’s POV “Damien, kinakabahan ako…” Nasa sala kami ng bahay nila rito sa Escajeda. Sobrang laki nito at ang mga muwebles, halatang mamahalin pa. Nakakatakot hawakan dahil baka mabasag ko. Nakakahiya naman sa pamilya niya. Parang nakakatakot din gumalaw dito dahil sa mga gamit nilang napakalinis na ayokong madumihan. Pero hindi ko kayang ma-distract sa ganda ng bahay nila dahil kinakabahan pa rin ako. Inaantay namin ang pagbaba ng mga magulang niya na ngayon ko na lang ulit makikita. Kinakabahan ako sa mga sasabihin nila sa akin dahil sa ginawa kong pagtago sa apo nila. Alam ko naman na posibleng magalit sila sa akin kaya ngayon pa lang kinakabahan na ako. “Relax, sweety. Walang gagawin ang mga magulang ko sa’yo,” pagpapakalma sa akin ni Damien. “Wala rin naman akong pakia

